UY, totoo ba ang chika na buntis daw ang girlfriend ni Chito Miranda na si Neri Naig? May nabasa kasi kami na pregnant na raw ang aktres kaya nagmamadali nang magpakasal ang magdyowa.
Ayon sa isang nakachika naming source, mukhang malabo raw ang balitang buntis si Neri, kung totoo man daw ito, siguradong ibabandera na ‘yun ni Chito dahil hindi ito marunong magtago at magsinungaling.
Meron ding nagtanong sa amin sa Facebook kung true na nagpakasal na sina Neri at Chito sa huwes dahil ‘yan daw ang kumakalat na tsismis ngayon sa social media.
Nag-ugat daw kasi ito nang ma-post si Chito sa kanyang Twitter account at tinawag na “asawa” si Neri. Pero sa isang interview ng ABS-CBN sa vocalist ng Parokya Ni Edgar, nilinaw nito ang nasabing balita.
Aniya, “I think it’s normal naman for couples na tawag mo sa girlfriend mo asawa mo so they just made a big deal out of it I guess because it’s social media and a lot of followers siguro nagulat lang.
“Pero I think it’s normal kasi kahit nong high school kami tawag naming sa girlfriend naming, ‘Uy misis mo’ ganu’n because it’s a normal thing for us. If people took it seriously ayos lang,” pahayag ni Chito.
Umaasa naman daw ang singer-composer na sa kasalan na talaga mauuwi ang relasyon nila ni Neri, “Hopefully, we all dream about it, we all hope naman na if we’re in a relationship ‘yun na ang totoo na talaga eh.
Pero kung kailan, secret ko pa lang ‘yun, nasa ulo ko pa lang.” Nang mapag-usapan muli ang tungkol sa kontrobersiyal nilang sex video na talagang naging malaking isyu sa showbiz, sinabi ni Chito na naka-move on na silang pareho.
Pero inamin niya na nang sumabog ang iskandalong ‘yun, mas inisip niya ang kapakanan ni Neri.“Ever since, I was more concerned about Neri more than anything.
But as for the band, day one pa lang pinagtatatawanan na nila ako eh. Sa music scene they don’t care about showbiz issues eh, wala silang pakialam so my primary concern was Neri and because siya ‘yung babae you have to be strong.
Pero when it comes to my work and my band mates wala silang pakialam, up to now joke na lang ‘yun para sa kanila,” esplika ng singer.
In fairness, sa kabila ng mga nangyari, nanatili pa ring maganda ang relasyon nila ni Neri, “We are really thankful kasi di namin magagawa ‘yun without the support of the people eh.
We saw who our real friends were, we saw the support of our family more than we were expecting. Alam namin na mahal nila kami but through trials you will see who your real friends are and you will see the importance of family.”
At para sa kanilang bashers na patuloy na nambabastos sa kanila, “We don’t deal with them that way. It’s better to ignore. Kasi life is more peaceful pag hindi mo na pansinin ang mga ganon eh.
Ever since naman we started lahat na ng intriga, so were used to it and Neri she’s a very strong girl and we were there for each other.”