1st BF pa rin | Bandera

1st BF pa rin

Joseph Greenfield - March 29, 2014 - 03:14 AM

Sulat mula kay Amor,  ng Barotac Nuevo, Iloilo
Dear Sir Greenfield,
Hindi maalis-alis sa isipan at damdamin ko ang aking dating boyfriend.  Siya kasi ang una kong boyfriend.  Kahit na may bagong boyfriend na ako ngayon, ang aking dating boyfriend pa rin ang nasa isip ko.  Kapag kasama ko ang bagong boyfriend ko, nagkukunwari na lang ako na nasa kanya ang damdamin ko.  Umalis ang dating boyfriend ko at nagpunta sa malayong probinsiya.  Pero, nangako siya na babalikan ako.  Kailan kaya siya babalik?  Mahigit na isang taon na rin siyang hindi nagpaparamdam.  Labis na ang pangungulila ko, hanggang sa dumating ang aking kasalukuyang boyfriend.  Ang akala ko ay makalilimutan ko na ang una kong boyfriend pero hindi pala.  Babalik pa kaya siya?  Magtatapat na ba ako sa kasalukuyang boyfriend ko hinggil sa tunay na damdamin ko?
Umaasa
Amor, ng Barotac Nuevo, Iloilo
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw at matinding Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad.  Ibig sabihin, kung sino ang minahal mo nang tunay at tapat, naramdaman mo talaga ang presensiya niya sa kasalukuyan at  kahit wala na siya ay lagi mo rin siyang na-aalala, sa bandang huli, ang lalaki ngang iyon, na tunay mong minahal, siya na rin mapapangasawa at makakatuluyan mo.
Cartomancy:
Ang barahang Jack of Hearts, Ace of Diamonds at Eight of Hearts ang nagsasabing ngayon ka na makipag-break sa kasalukuyan mong boyfriend, upang sa taon ding ito, sa sandaling bumalik ang first love mo, tuluy-tuloy na muling mabuo ang nausyami ninyong  masaya at romantikong relasyon.  Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending