Heat taob sa Pacers

INDIANAPOLIS   — Umiskor ng 23 puntos si Paul George at nagdagdag ng 21 puntos si Roy Hibbert para pangunahan ang  Indiana Pacers sa isang come-from-behind 84-83 victory laban sa
Miami Heat kahapon sa NBA.

Napatid din ng Indiana ang two-game losing skid nito at may 2-1 lead na sa kanilang head-to-head matchup laban sa Miami sa season na ito.

Dahil sa panalo ay lamang na ng tatlong laro ang Pacers (52-20) sa Heat (48-22) para sa top seeding ng Eastern Conference at kasabay nito ay nakopo rin ng Indiana ang ikalawang sunod na Central Division crown.

Gumawa naman ng 38 puntos si LeBron James ngunit nagmintis sa kanyang three-point attempt na magbibigay sana ng kalamangan sa Miami sa mga huling sandali ng laban.

May pagkakataon din si Chris Bosh na ipanalo ang laban ngunit maging siya ay pumalya sa kanyang buzzer-beating jumper.

Matindi ang pagnanasa ng Pacers na makuha ang home-court advantage sa Eastern Conference Playoffs matapos na matalo sila ng Heat sa East Finals sa pitong laro noong isang taon.

Knicks 107, Kings 99
Sa Sacramento, si Carmelo Anthony ay tumira ng 36 puntos at si J.R. Smith ay may 29 puntos para magbida para sa  New York na naghahabol para makakuha ng Playoffs berth sa East.

Lamang ng 24 puntos ang Knicks sa third quarter ngunit nagtangkang maghabol ang Kings sa final period ngunit kinapos.
Ang New York (30-42) ay kasalukuyang nasa ika-siyam na puwesto sa East at pinupuntirya na maagaw sa Atlanta Hawks (31-39) ang No. 8 spot.

Bumagsak ang Hawks kahapon laban sa Minnesota Timberwolves, 107-83.

Si DeMarcus Cousins ay may 32 puntos, 15 rebounds at walong assists para sa Kings.

Read more...