Sulat mula kay Alma ng Surigao City
Problema:
1. Binaha na naman kami. Madalas na kaming ulanin kaya mahirap na ang buhay dito. Nawalan ng trabaho ang ama ko kaya sinabi sa akin ng aking mga magulang na hindi na ako makapag-aaral. Hindi rin sila nakakuha ng scholarship kay mayor.
2. Bagaman maraming pagkain dito ay tumataas na rin ang presyo ng mga ito. Meron kaming konting sinasaka kaya imbes na nakatunganga sa bahay ay sinabi sa akin ng aking mga magulang na tumulong muna sa bukid. Katatapos ko lang ng first sem at hindi na mag-aaral sa second sem. Pangarap kong maging nurse para makapag-abroad. Matutupad kaya ang pangarap ko?
Umaasa,
Alma ng Surigao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing sa pamamagitan ng sarili mong kayod at pa
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang babaeng magbibigay sa iyo ng trabaho ay isinilang sa petsang 5, 14, o kaya’y 23. Siya ang makatutulong sa iyo para maging working student ka sa susunod na semester.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na maliit at medyo chinita ay nagsasabi na isang lalaking medyo payat na matangkad ang iyong magiging boyfriend. At ang boyfriend mong ito ay makatutulong din sa iyong pag-aaral.
Color Test:
Upang mangyari ang lahat ng pag-aanalisang inilahad na sa itaas, may tutulong sa iyo upang makatapos ka ng kolehiyo, lagi kang magsuot ng kulay berde at powder blue. Ang nasabing kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran.
Biorhythm Chart:
Umangat naman ng husto ang Biorhythm Chart ng Career at Pag-ibig sa taon 2017. Sa nasabing panahon ay makakatapos ka ng college at makalipas ang isang taon ay makapag-aasawa ka ng isang professional. Sa nasabing pag-graduate sa college at pag-aasawa ay magsisimula ka na ring umunlad at makabuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.
Huling payo at paalala:
Alma, nakahanda na ang susuungin mong kapalaran: magiging working student ka, makakatapos ng college sa kursong Accountancy hanggang sa tuluyang makapag-asawa ng professional na lalaki hanggang sa magkaroon ng maunlad at maligayang pagpapamilya.
Dumiskarte nang sarili (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...