HOROSCOPE, March 28, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Lalong matutupad ang mga pangarap at darami ang pera kung patuloy na magsusuot ng kulay na dilaw at pula.  Sa pag-ibig, may maligayang pakikipagrelasyon ang darating. Mapalad ang 7, 16, 19, 28, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Budhananda-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—   Patuloy na susuwertehin kung sa panahong ikaw ay sagana ay hindi mo kalilimutang tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa iyo. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyong Sagittarius sa isang masarap at masayang paga-outing. Mapalad ang 7, 15, 22, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nada-Om.” Beige at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Ang papalapit na Holy Week ay magandang pagkakataon upang disiplinahin ang sarili.  Huwag masyadong kumain upang masimulan na ang “operation pagpapa-sexy”. Ang pagtitipid at pagpapa-sexy ay magkatuwang na gawain.  Mapalad ang 3, 18, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra.” Pink at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Sa pag-ibig, tuparin ang ipinangako sa minamahal na bakasyon grade sa Boracay.   Sa pinansiyal, iwasang sumira sa isang transaksyong matagal ng shoot-sa-balde.  Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om”. Blue at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  Kailangan ang dagdag na pahinga upang magbalik ang sigla. Ngayong summer vacation ay umuwi muna sa probinsiyang sinilangan upang makapagrelaks. Sa pag-ibig, laging isama ang kasuyo, saan man magpunta. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 40, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Purana-Visnu.” Green at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—   Ingatan ang natitirang salapi! Huwag kang gastos nang gastos nang walang kabuluhan. Sa pag-ibig, itagong mahigpit ang pera upang hindi matiktikan ng mga mangungutang. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Om.” Yellow at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—   Sa pag-ibig, kahit na mahilig kumontra ang kapareha, hindi mo siya dapat iitsapuwera. Mag-combine force kayo ng iyong kasuyo upang masimulan ang negosyong may kaugnayan sa modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.” Violet at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Maglaan ng budget para sa pagbabakasyon. Masarap gumimik at mag-swimming sa panahong ito ng tag-araw. Sa pag-ibig, mas masarap mag-outing sa tabing dagat habang pinapanood ninyo ng iyong kasuyo at papalubog na araw sa kanluran. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shanti-Om.” Blue at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—   Hindi paramihan ng pera o palakihan ng suweldo ang labanan kundi paramihan ng ipon. Kung sino ang maraming pera, siya ang higit na mas magiging maligaya. Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Red at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—   Hindi ka kikita ng malaking halaga kung lagi kang magsusungit. Sa pag-ibig, huwag awayin ang kasuyo at pagkatapos ikaw na naman ang hihingi ng sorry. Mapalad ang 7, 18, 29, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Rama-Om!”  Blue at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—   Walang mangyayari sa buhay kung maghihintay ng suwerte. Hard work ang kailangan. Itago ang lahat ng malilikom na pera, palaguin ito at gamitin sa negosyong may kauganan sa produktong butil.  Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana.” Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Iwasang gumawa ng mali na maaaring pagsisihan habambuhay! Hindi madadaan sa pandaraya ang mga bagay-bagay. Sa pag-ibig, huwag dayain ang kasuyo. Mapalad ang 2, 7, 19, 29, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Om-Harim.” Maroon at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—   Dasal ang susi upang magtagumpay. Mamayang gabi, sa harap ng altar ay magsindi ng kadilang pula, yayain ang kasuyo na ipagdasal ninyong maging successful, maging maligaya at maging masagana ang inyong pagsasama. Mapalad ang 1, 19, 22, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Bukod sa red buenas ang lilac.

Read more...