Angel nilait ng fans ni Marian dahil walang college diploma

MARIAN RIVERA AT ANGEL LOCSIN

Big deal para sa supporters nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang pagkakaroon ng college diploma ng dalawa.

Nang magtapos kasi ng kolehiyo si Dingdong kamakailan ay talagang ipinangalandakan ng mga supporters ni Marian na masuwerte ang couple dahil pareho silang degree holder.

In the process ay hindi nila nakalimutang laitin si Angel Locsin. Siyempre, ang iniisyu nila ngayon ay ang hindi pagkakaroon ni Angel ng college diploma.

Talagang ginawang big deal ng fans ni Marian na walang college degree si Angel, it was as if it’s the be all and end all ng buhay nito.

While it’s true na si Angel ay walang natapos ay naging maganda naman ang buhay nito. She’s a multi-million earner, something to be proud of lalo pa’t sabi nga ng Marian fans ay wala itong natapos. It’s also something that you can achieve kung talented ka.

Ang daming hindi tapos ng college sa showbiz pero ang yayaman nila like Heart Evangelista.

Long before Marian made a splash on TV dahil sa telebisyon lang naman siya may career at puro flop naman ang kanyang movies, Heart has long been a multi-millionaire. At kahit hindi siya tapos ng college, walang binatbat si Marian sa kanya when it comes to English speaking. Mas matatas mag-English si Heart kaysa kay Marian, and that’s something that Marian’s fans should admire.

Read more...