KC kinikilig kapag nakikita si Paulo na nag-aalaga ng anak

KC CONCEPCION AT PAULO AVELINO

KUNG babasahin ang mga naging pahayag kamakailan ni KC Concepcion, mukhang bibigay na rin ito sa masigasig na panunuyo ni Paulo Avelino.

Ayon sa TV host-actress, marami siyang nagustuhan na magagandang quality ni Paulo, at sa katunayan itinuturing na niya itong isa sa mga best friend niya.

Sa Aquino & Abunda Tonight, sinabi ni Kris Aquino na feeling niya ay inspired si KC dahil nag-uumapaw daw ang ganda at kaseksihan nito. Kagagaling lang ng aktres sa New York kung saan kumukuha siya ng advanced acting courses.

Naikuwento nga ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na isa raw sa mga teachers niya roon ay ang casting director ng Hollywood movies na “The Wolf of Wall Street” at “Pitch Perfect”. Isa raw sa mga natutunan niya sa nasabing acting school ang pagba-balance ng “sensuality and sense.”

Ayon kay KC, tuloy pa rin ang panliligaw ni Paulo sa kanya at mas lalo pa raw niyang nakikila ang aktor habang tumatagal, “Paulo is a good man with a good heart. He is a really good dad, and when you see him taking care of his kid nakakakilig din.”

Pero hindi naman nagmamadali ang TV host-actress na magkaroon uli ng boyfriend, “You just want to make sure na, you know, you fit with someone who fits like a glove.” Dadag ng dalaga, “Ayaw ko na ng heartbreak.”

Ibinalita rin nito na nakilala na ni Sharon si Paulo, nagkita raw ang dalawa nu’ng maospital siya, ani KC, “She met nurse Paulo,” na inilirawan din niyang isang “unpredictable” na tao.

Read more...