Marian di naiinggit kay Karylle: Maligaya po ako para sa kanya!


“MASAYA ako para kay Karylle!” Ito ang diretsong pahayag ni Marian Rivera nang tanungin ng entertainment press kung ano ang reaksiyon niya sa pagpapakasal ng ex-girlfriend ni Dingdong Dantes sa bokalista ng Spongecola na si Yael Yuzon.

Ayon sa GMA Primetime Queen, kung inaasahan daw ng mga tao na may sasabihin siyang hindi maganda tungkol kay Karylle, mukhang madi-disappoint daw ang mga ito dahil napakaganda ng takbo ng buhay niya ngayon para mag-entertain siya ng mga kanegahan.

“Lahat naman ng babae pangarap maikasal sa taong minamahal niya, kaya happy ako para sa kanya. Only the best ang mawi-wish ko kay Karylle.

Kami naman ni Dong, lagi naming sinasabi kapag tungkol sa kasal na ang usapan, darating at darating ‘yan, at sabi ko nga, di ba, not so near but not so far,” chika ni Marian.

Ayon pa sa Kapuso queen, “Pag nangyari yun, hindi ko naman ipagkakait ‘yan sa inyo. Sasabihin namin iyan. May mga gagawin lang muna ako, pero pag nagawa ko na yun, masasabi kong okay na.”

In fairness, habang tumatagal ay lalong gumaganda at sumeseksi si Marian, at sorry na lang sa mga bashers na walang ginawa kundi magkalat ng mga malilisyosong chika against her, lalo na ang mga kumukuwestiyon sa pagiging endorsement queen niya ngayon.

Kahapon, isa na namang TV commercial ni Marian ang ni-launch, ang BioFitea, isang herbal tea na gawa ng Diamond Laboratories. Perfect ang Kapuso actress bilang celebrity ambassador ng produkto dahil sa kanyang flat na flat na tiyan at super sexy body.

Ayon kay Marian, talaga raw ginamit niya muna ang Biofitea bago siya pumayag na maging endorser nito, “Siyempre ayoko namang lokohin ang mga tao, baka makarma di ba? Kailangan mapatunayan ko na effective siya, na wala siyang side effects sa katawan.

Tsaka natural siya, herbal, kaya walang masamang epekto sa katawan.” Ayon naman sa nga taong nasa likod ng nasabing herbal tea, sobrang nagpapasalamat sila kay Marian dahil hindi ito nagdalawang-isip na tanggapin ang offer nila, naniniwala sila na malaki ang maitutulong ng Kapuso Primetime Queen para mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga Pinoy sa kanilang produkto.

Sey pa nga ni Marian, hindi lang ang ibabayad sa kanya bilang endorser ang naging rason para tanggapin niya ang nasabing proyekto, kundi ang tulungan ang mga Pinoy na maging healthy, lalo na sa mga kababayan natin na matagal nang nangangarap na magkaroon ng flat na tiyan tulad ni Marian.

Dumalo rin sa nasabing presscon ang matataas na opisyal ng Diamond Laboratories para i-welcome si Marian, sa pangunguna ng presidente nitong si Edrich Cabrera, with his father and founder of DLI na si Roberto Cabrera, Jr. For inquiries, visit lang kayo sa www.facebook.com/biofitea.

Samantala, tuwang-tuwang naman si Marian sa pagtatapos ng kolehiyo ni Dingdong, proud na proud siya sa kanyang boyfriend dahil sa kabila ng mga pinagdaanan nitong pagsubok bilang estudyante ay napagtagumpayan pa rin nito ang lahat.

“Isa siyang inspirasyon sa lahat, lalo na sa mga kabataan na napapabayaan ang pag-aaral dahil sa pagiging working student. Na hindi hadlang ang pagiging busy para makatapos ng pag-aaral,” sey pa ng aktres.

Read more...