Kris ‘BABAHO’ kapag naging bf si Bistek


KRIS Aquino is mum over rumors na sila na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. It’s so  un-Kris yata na hindi marinig ang panig niya about the issue. Parang hindi natural for her not to talk about her love life.

We can only theorize na natatakot si Kris kapag umamin siya. Unang-una, although Bistek is not married, he has five kids at merong kinakasama.

Kapag nagsalita si Kris at umamin, babaho ang image niya, baka matawag pa siyang homewrecker. Pero sinabi naman niya sa isang writer na meron siyang napupusuan kaya lang ay hindi puwede. Si Herbert kaya iyon?

Anyway, of late ay ang daming na-link kay Kris, ha. There’s the Bataan governor na sinasabing manliligaw niya. There’s Daniel Matsunaga na aliw na aliw siya dahil super maasikaso sa anak niyang si Bimby.

Before that, merong foreigner pang na-link sa kanya na hindi naman niya pinangalanan. Also, when Kris posted a photo with Derek Ramsay, meron ding nag-isip na ang hunk Kapatid actor ang bagong lalaki sa buhay niya.

The fans of Kris, though, only wish one thing – sana si James Yap na lang daw ang balikan niya.“Hi idol kris i dnt like gov or derek ms mgnda blkn u nlng s james mttwa pa si babby james at josh at mgng buo pa ang family at mrmi png mttuwa at ngng maays at buo n uli ang family mo.

“Alam mo idol ms gsto kpa ung gnun kza kng sino-sino mga boys na li-link cyo tps kw dn sasaktn gyA ni joey n suby-byn kita nun at ng mka hnp k ng mtnng lalaki with papa james na twa me n sd me ng mg kroon kyo ng hndi pg k uunwaan tpz pltn ng mga hwlyn sbra idol kita tama n ung my mali blkn u nlng s james lm k mhl n mhl u prn ang isat isa idol love u more,” one fan said.

Well, malabong mangyari ang wish. Meron nang bagong girlfriend si James and he seems very happy now.

Read more...