Jennylyn pineke, pinalabas pang epal, traydor ng kampo ni Angel


AFFECTED much yata ang mga nasa likod ng soap opera ni Angel Locsin kaya naman nagpakalat na rin sila ng chikang hindi totoo na nasa chopping board na ang teleserye ng aktres.

Ilang araw nang kumakalat sa social media na merong matsutsuging primetime show ang isang sikat na aktres. Noong una ay blind item pa ang pagkakasulat pero hindi nagtagal ay pinangalanan na nga ito.

It turned out na ang teleserye pala nina Angel, Jericho Rosales at Maja Salvador ang tinutukoy sa blind item. Initial reports said that the reason for the forthcoming axing of Angel’s soap is its failure to attract advertsisers.

Wala raw kasing masyadong commercial na pumapasok sa teleserye ng aktres. Napanood nga namin ang isang episode minsan at around three to four  TV plugs ng network ang ipinapalabas sa commercial gap.

Then, the ratings naman daw ang naging problema. It turned out na merong surveys na nagsasabing naungusan na ng soap nina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi ang rating ng teleserye ni Angel.

Then, meron ding umugong na chismis na hindi na maganda ang succeeding episodes ng soap ni Angel, papangit na ito nang papangit.

Seemingly disturbed by the negative publicity na umabot na sa social media, nagpakalat ang kampo ng network na hindi true na matsutsugi ang soap ni Angel. It will run for 24 weeks, that’s according to a report.

Obviously, affected nga ang Dos sa mga naglalabasang negative issues about Angel’s soap kaya naman umaaksyon na sila ngayon.

Tila ginamit naman si Jennylyn Mercado ng isang Facebook fan page para i-promote ang soap ni Angel Locsin. Nagpalabas kasi ng photo ang fan page kung saan merong hawak na fan sign si Jen na ganito ang caption: “Congrats # The Legal Wife No. 1.”
Ang daming naloka sa fan sign.

Lahat ay hindi makapaniwala. Siyempre nga naman, isang Kapuso talent si Jen tapos maglalagay siya ng fan sign at sasabihing number one ang teleserye ni Angel na kalaban ng kanyang soap.

It doesn’t make sense, ‘di ba? Parang mga boba lang ang gumawa nito. Obviously, ginamit lang si Jen para mag-promote ng soap ni Angel. Kaso, wala namang maniniwala sa fan sign photo na ‘yon.

Lumabas lang na traydor ang aktres. So, ganoon na ba talaga ngayon ang labanan ng primetime shows? Sino naman kaya ang nagpakalat ng fan sign photo ni Jen na halata namang peke?

Isa ba siyang bayaran ng network? “Bitter Kapamilya,” one Kapuso fan said. Paniwala naman ng isang guy ay “Edit nga lang yan eh.”

Read more...