Kris nakakahiya raw, parang lahat na lang ng lalaki gustong patulan


Nakakahiya rin sa parte ni Kris Aquino ang palagi na lang pag-uugnay sa kanya sa kung sino-sinong lalaki. Para naman kasing mula nang magkahiwalay sila ni James Yap ay kung sino-sino na ang inili-link sa kanya.

Porke ba hiwalay siya sa asawa ay ganu’n na lang palagi ang mangyayari kay Kris, may makilala lang siyang lalaki ay iuugnay na agad-agad sa kanya, anong klase ng babae siyang lumalabas kapag ganu’n?

Karaniwan pa namang nangyayari na kapag hiwalay sa asawa ang babae, ang tingin sa kanila ng marami ay madaling lokohin, kulang daw kasi sila sa init kaya kahit kanino ay kakapit na lang sila.

Totoong maraming nagtatanong kung sino ang karelasyon ni Kris ngayon, pero huwag naman sanang kahit sino na lang ay ikinakabit sa kanyang pangalan, si Kris ang nagiging mukhang mumurahin kapag ganu’n.

Baka tuloy pagtawanan siya ng kampo ni James Yap kapag ganu’n. Puwede nilang isipin na nakikipagkumpetensiya siya sa ama ng kanyang anak na maligaya na ngayon sa girlfriend nitong Italyana.

Huwag. Oo nga’t walang maraming lalaking maglalakas-loob na manligaw kay Kris dahil sa kanyang estado sa buhay at kasikatan ay hindi naman ‘yun nangangahulugan na naghahanap na siya, na nag-iinit na siya para may makarelasyon.

Ngayon ay tatlong lalaki ang inili-link kay Kris, may isang gobernador, si Daniel Matsunaga, pinakahuli naman si Mayor Herbert Bautista. Matunog na matunog ang ikot ng kuwento na nakikipagkita si Kris sa tatlong lalaki.

Nakakahiya, nagmumukha tuloy siyang mapaglaro sa pakikipagrelasyon, parang lahat na lang ay pinapatos niya, hindi ‘yun nakagaganda sa kanyang imahe lalo na’t kapatid pa naman siya ng pangulo.

Ang dami-daming magagandang kuwentong puwedeng pag-usapan tungkol kay Kris Aquino, mga makabuluhang impormasyon, hindi basta puro lalaki lang.

Read more...