Sarah: Gusto kong mag-asawa at mabuntis

Inggit na inggit si Sarah Geronimo sa kaibigan niyang si Yeng Constantino na engaged na nga sa kanyang first boyfriend. Sa interview kay Sarah ng ABS-CBN, sobrang inspiring daw ng lovelife ni Yeng.

“Naiinggit ako kasi nakakainggit ‘yung love story nila. First boyfriend niya si Yan (Asuncion), first girlfriend niya si Yeng tapos parehas sila ng paniniwala sa Diyos. So napaka-inspiring ng love story nila.

Naiinggit talaga ako,” anang Pop Princess.Pero sabi ni Sarah, hindi naman daw siya nagmamadaling magpakasal, “Napakabilis ng panahon. Hindi ko naisip na marrying age na pala ako, 25.

Pero siyempre kailangan pag-isipan talaga ng mabuti dahil lifetime commitment ‘yan. Ipinagdadasal naman yan.”
Sa tanong kung gusto rin ba niyang magkaanak in the future, “Siyempre naman darating at darating tayo sa pagkakataon na magkakapamilya at hopefully mabibiyayaan ng sariling anak.

When? Siguro sana in my early 30s or before mag-30. Tingnan natin. I’d like to have my own family.” Ang tanong, si Matteo Guidicelli na kaya ang lalaking pakakasalan at makakabuntis kay Sarah?

Read more...