Sa Ginoong Bangkero naman at Mutya Ng Pinagsangahan contest, gandang-ganda kami sa choreography ng mga contestants. Hindi nakakainip ang mga lakad nila sa stage. May 18 bangkeros and 11 lovely ladies ang naglaban-laban.
Carlos Agassi, Miss Philippines Karen Agustin, Viva Hotbabe JC Parker and my “Mismo” partner sa DZMM na si Papa Ahwel Paz ang nagsilbing hosts for that night’s pageant.
Ang huhusay nilang lahat sa pag-host, puwede ko na pala talagang ikalakal ang mahal kong BFF na si Papa Ahwel sa hosting dahil maliban sa napakatalino, he knows how to inject some humor to the show.
We had good choices as winners. Wala namang umapela. Masayang lumabas ang kabuuan ng pageant though past 3 a.m. na kami natapos kaya pasimple naming tinakasan si Gov. ER na nagpapahintay pa sa amin.
Gusto pa yatang makipagtsikahan ng lolo niyo kaya lang too late na for us dahil babalik na kami sa Manila. Habang nasa Pagsanjan kami, we were in constant communication naman with our children na sina Prima Diva Billy and Michael Pangilinan na guests nga ni Token sa Teatrino nu’ng gabing iyon.
Natural na nauna silang natapos kaysa sa pag-judge namin na inabot ng umaga. I am more than sooooo happy dahil napakahusay daw ng dalawa kong anak sa show.
They nailed the songs accompanied by pianist cum musical director nilang si Tito Butch Miraflor. Kaya nakangiti akong umuwi ng Manila. Pag-uwi ko ng bahay ay bagsak ako sa kama.
Tulog ako till lunch the next day and when I woke up, I received two text invitations that day (Sunday). One from Mommy Amor Abrenica and one from Mamu Andrew de Real.
Nagkaroon kasi ng surprise advanced birthday party ang mga fans ng super love kong si Papa Aljur Abrenica sa Don Henrico’s sa Tomas Morato between 6 and 8 p.m. at sabay naman ang debut ng mahal na unica hija ni Mamu Andrew na si Alyssa de Real sa grand ballroom ng Trader’s Hotel sa Roxas Boulevard.
Mukhang napaluha si Papa Aljur sa mga messages ng kaniyang fans kasi nu’ng magpaalam na ako sa kaniya, namumula pa ang kaniyang pisngi at parang nagpunas siya ng luha.
Natawa lang ako sa pagpakilala niya sa akin sa mga fans niya – “Si mama Jobert, ang biological mother ko. Ito naman si Michael, ang younger brother ko.”
Ha-hahaha! Biological mother talaga? Kakaloka talaga ang Papa Aljur ko, ‘no!