Bukol ni Sam sa Dyesebel ipit na ipit


DAHIL sa magandang rating na naitala ng Dyesebel sa pilot week ay  masayang-masaya si Sam Milby bilang isa sa leading man ni Anne Curtis, sobrang hirap daw kasi talaga ang dinaranas nila sa taping, lalo na ang buong production.

“Siyempre, I’m so happy, actually we are all happy for the results, ibig sabihin marami talagang nanonood ng Dyesebel kahit na pang ilang version na si Anne and still pinapanood pa rin ng mga bata.

Actually, bata talaga ang audience ng Dyesebel,” sabi ni Sam. Ano naman ang masasabi ni Sam sa sinabi ni Ai Ai delas Alas sa grand presscon ng Dyesebel na nagkalat ang mga “jun-jun” sa set ng serye, marami raw “dyutay” (maliit) at meron ding “kabibe” (malalaki), hindi ba siya na-conscious dito?

“Ha-hahaha! Hindi ko alam, kasi hindi naman bakat ‘yung jun-jun ko, I mean makapal kasi ‘yung silicon ng buntot at saka matigas, so hindi ko alam kung bakat,” natawang sagot ng aktor.

Mahirap bang isuot ang costume ng sireno? “Hindi naman, kasi parang nagsusuot ka lang ng pantalon, pero sobrang masikip as in masikip, jume-Jake Cuenca nga ‘yung pants namin,” natatawang kuwento ng aktor.

Anong ibig sabihin ng jume-Jake Cuenca pants? “Ha-hahaha! Kasi di ba si Jake sobrang sikip magsuot ng pantalon? Skinny jeans ang tawag, so ganu’n ‘yung buntot naming lahat, very skinny, kaya mahirap isuot, pero hindi mahirap pag nag-swimming kasi malambot naman, sobrang sikip lang,” paliwanag mabuti ni Sam.

Limitado kumain si Sam ngayon dahil kailangan niyang i-maintain ang 6-pack abs niya, “Oo, kailangan kasi dapat maintain ang abs, hindi puwedeng may tiyan.

Kaya more on fish, veggies and beef din, kasi wala naman epekto sa akin ang beef, I do workout three times a week for 45 minutes sa gym.”

Nabanggit nga namin na maski alas-tres ng madaling araw ay nagdyi-gym siya sa bahay niya, “Yeah, minsan kapag hindi pa ako makatulog, but most of the time sa Gold’s Gym talaga ako.”

Sumingit ang manager ng aktor na si Erickson Raymundo, “Bakit kailangan mo pang mag-gym, e, mas kumpleto nga ang gamit mo sa bahay mo, sayang naman.”

“E, kasi mag-isa lang ako, mahirap pag mag-isa lang,” sagot ni Sam. Oo nga naman, it’s lonely being alone, di ba bossing Ervin? (Aba, ewan ko! Hindi pa ako nagiging alone, Reggs! Ha-hahaha!”

Read more...