Pauleen isinauli ang mga regalo ni Vic

Dahil daw sa utos ng kanyang nanay

Ayaw pala ng madir ni Pauleen Luna na lumabas na gold digger ang kanyang anak kaya ipinasosoli nito ang mga regalo ni Bossing Vic Sotto.

May kaya ang pamilya ni Pauleen kaya very careful ang kanyang madiraka sa pagtanggap ng aktres ng mga regalo mula sa suitor nito.

Alam n’yo naman ang madir ni Pauleen, ayaw niyang may masasabi sa kanya ang mga tao. Pero may isang regalo raw, birthday gift, actually, ang hindi pinasoli ni Pauleen.

Doon na siguro nagkaroon ng pagdududa ang madir ni Pauleen na may relasyon ang kanyang anak kay Bossing Vic.

Until now ay wala pang kinukumpirma o dinedenay sina Bossing at Pauleen tungkol sa kanilang relasyon, pero marami ang naniniwala na may namamagitan na ngang something between the two.

Read more...