NAKAKALOKA ang dating magkaibigang Sen. Bong Revilla at Dra. Vicki Belo dahil naging mortal silang magkaaway (if I may say kasi ganoon ang dating sa amin ng isyu sa kanilang dalawa) mula nang kasuhan ng kampo ng senador si Hayden Kho (na tinanggalan ng lisensiya sa pagkadoktor, remember?) dala ng mga sex video scandal nito with Katrina Halili, among others.
Alam niyo naman kung anong relasyon meron sina Dra. Belo and Hayden before sila nagkahiwalay. Mabuti nga at tinanggap muli ni Dra. Vicki si Hayden bilang kaibigan na lang (daw!) though marami ang dudang sila pa rin till now.
Ang latest na napag-uusapan sa magkabilang kampo ay ang pagbibiyahe nila for the Holy Land this coming Semana Santa. Nauna yatang nag-book sina Dra. Belo and Hayden sa pagdalaw sa Holy Land na siya ring destinasyon ng pamilya ni Sen. Bong this coming Holy Week.
Naturally ay magkikita sila roon. Malaki ang chance na magkrus ang landas nila whether they like it or not.Akala ko kasi ay sobrang laki ng Holy Land para puwedeng hindi sila magkita. Yes, tama.
Malaki nga ang Holy Land pero to get there on the said special Holy Week days ay scheduled daw kaya no way na hindi raw sila magkita. I haven’t been to Holy Land kasi kaya I wouldn’t really know kung puwedeng maiwasan nila ang isa’t isa.
Puwede rin siguro kung dadaanin sa deadma ang lahat if their paths cross, tama? “Pupunta kami sa Holy Land para dalawin ang lugar kung saan pinanganak ang mahal nating Poong Hesukristo.
Hindi naman tayo pumunta roon para makipag-away. Sana ay maayos ang lahat pagsapit ng tamang panahon,” ani Sen. Bong na, in fairness naman to him ay parang reconciliatory naman sa kaniyang tono.
Ang nakakatawa raw kasi roon ay unang nagpa-book sina Dra. Vicki at Hayden at nang malaman daw nilang doon din papunta sina Sen. Bong ay muntik na raw silang mag-back out.
Mabuti na lang at merong pumigil sa kanila kaya tuloy pa rin ang kanilang trip. Pero mind you, magkahiwalay daw na hotel rooms ang kinuha nila ni Hayden.
Siyempre mahirap makipag-argue dahil baka magkasala tayo sa Panginoon dahil Holy Land ang pupuntahan nila, ‘no! Kaya naniniwala po kami nang buong puso na magkahiwalay nga sila ng kuwarto ni Hayden.
Speaking of Sen. Bong, nabanggit niya sa mini-lunch niya with a select members of the entertainment media, tatakbo nga raw siyang pangulo ng bansa pero plano pa lang naman daw.
Hindi pa naman siya officially nag-a-announce. Pakikiramdaman muna raw niya ang kapaligiran kung panahon na nga ba for him to run for the highest position sa bansa.
Dinig namin ay si Sen. Bongbong Marcos ang magiging running mate niya. Hindi pa naman confirmed ito kaya huwag muna kayong mag-violent reaction, OK?
If you were to ask me, kahit mahal na mahal ko iyang pamilya Revilla lalo na si Sen. Bong na napaka-supportive sa aming mga taga-showbiz, parang hindi pa napapanahon for him to run for President.
Kasi nga napakarami pa niyang dapat ayusin sa buhay – like yung paglinis ng kaniyang pangalan sa malaking kasiraang idinulot sa kaniya nitong P10-B Napoles pork barrel scam.
We cannot deny the fact na sobra ang naging epekto nito sa personal at political career niya. Hindi pa kasi tapos ang case kaya napakarami pa ring naniniwalang kasangkot nga siya sa napakalaking plunder case na ito, the fact that he was already tried by publicity.
Kilala man namin nang buong-buo si Sen. Bong, kung gaano ito kabait at ka-matulungin but the public has spoken. Kaya this early, natatakot pa kami for him.
Hindi biro ang perang gagastusin ng isang kandidato for presidency. Baka maubos lang ang pera niya at hindi niya ito mapagwagian dahil napakaraming ayaw pa sa kaniya.
Alam niyo naman ang pamahalaang Aquino na ito,talagang idi-delay nila ang kaso hanggang sumapit ang 2016 para mahirapan ang kampo nina Sen. Bong na malinis pa ang pangalan nila for them to run for higher positions.
Yes, gagawa raw si Sen. Bong ng MMFF entry this year. Hindi ko lang batid kung anong movie ang gagawin niya pero definite na raw siyang sasali. Mas masaya ito pag nangyari.
Tiyak na mangingialam na naman ang kampo ni P-Noy para ibagsak ang pelikula ni Sen. Bong. Pustahan tayo, ow!