Hindi namin alam kung napagbigyan na ang birthday request ni Vice Ganda kay Sen. Miriam Defensor Santiago para mag-guest ito sa kanyang Sunday evening show na Gandang Gabi Vice.
Miriam is all over the papers, she’s prominently posted on social media dahil sa kanyang tila advocacy na dapat gawing college graduates ang mga tatakbo sa public office.
Matapang ang kanyang mga pahayag sa mga interview niya and there’s a clamor from netizens na tumakbo siya sa presidential race sa 2016 elections.
Kung tatakbo si Sen. Miriam ay dalawang celebrity na kaagad ang maituturing niyang supporters, sina Vice Ganda at Heart Evangelista.
The stand-up comedian openly expressed his admiration for the lady senator. Open book naman ang friendship nina Heart at ng ladyo solon. Si Heart nga ay nag-post pa sa kanyang Instagram account ng call ni Miriam.
Tumagal sila ng 46 minutes sa kanilang pag-uusap sa telepono. “That was a good talk:) love you @senmiriam,” Heart said.