Ellen Adarna tsinugi sa pelikula ni Vhong dahil kay Cedric Lee


Dahil kaibigan ng isa sa leading lady ng Moon of Desire na si Ellen Adarna ang taong bumugbog kay Vhong Navarro na si Cedric Lee ay tsinugi ang sexy actress sa movie project nila ng TV host-actor na produced ng Star Cinema.

Ito ang pelikulang comedy-horror na pagbibidahan ni Vhong at ni Angel Locsin noon, pero dahil may The Legal Wife na kaya hindi natuloy ang aktres kaya’t maraming pinagpilian kung sino ang kapalit kabilang na nga sina Jessy Mendiola at Ellen, pero sa huli ay si Solenn Heussaff na ang napili.

Sa grand presscon ng Moon of Desire ay natanong si Ellen kung ano ang naging reaksyon niya sa pagkakatsugi niya sa pelikula nang dahil kay Cedric, “Totoo naman na kilala ko si Cedric. But ‘yung friendship namin, hindi naman yung level na (close), I don’t even have his number.

“Kilala ko siya. I meet him when I go out. May mga friends kami na (common)  ‘you know. Pero hindi kami best friends or hindi kami nagti-text,” katwiran ng dalaga.

At dahil sa pag-aming kakilala niya si Cedric, inulan ng panlalait ang dalaga, pero deadma lang daw siya. “Naapektuhan ako. Tanga-tanga ako, e. Nagpa-interview ako, e.

Wala (lang), lesson-learned. I mean, mga the first two days, I got affected. Pero wala, moved on. Life goes on,” sey nito.
Bukod sa pagpapa-interview ni Ellen tungkol kay Cedric Lee ay muli siyang nakuhanan ng TV camera na lasing at hiningan ng mensahe para sa negosyate, “Lasing po ako noong in-interview ako.

First time ko po ‘yun na mag-trade launch and I don’t dance. And then I was super-nervous. So, inubos ko po ‘yung half ng bottle ng tequila and nagpa-interview.

“Kasi yung question no’n (tungkol kay Cedric), ang nakalagay dun, ‘Ellen Adarna message to Cedric.’ Wala talaga akong message sa kanya. E, lasing nga ako and it was taken out of context and ‘yun pa ang headline.

Wala talaga akong mali. Wow, mali! Kaya hindi dapat nagpapa-interbyu pag lasing,” kuwento ng sexy actress. Samantala, bukod kina Ellen, Meg at JC ay kasama rin sa Moon of Desire sina Beauty Gonzales, Dawn Jimenez, Dominic Roque,  Franco Daza, Miko Raval, sa direksyon nina FM Reyes at Raymund Aquino na mapapanood na sa Marso 31, Lunes.

Read more...