Hindi na-offend o nagwala si Andi Eigenmann nang itanggi ni Jake Ejercito na magdyowa sila. Diretso kasing sinabi ng anak ni Mayor Erap Estrada na friends lang sila ni Andi, ito’y matapos nga niyang ibandera sa buong mundo na tuloy ang espesyal na relasyon nila ng binata.
Naniniwala si Andi na sinabi lang yun ni Jake para hindi na siya kulitin ng press, “Kung anong nangyayari sa amin ngayon, sana sa amin na lang. Kasi I believe na hindi naman siya obligated to answer questions about his private life,” sey ni Andi sa Buzz Ng Bayan.
“Respetuhin na lang natin kung ano yung sinabi niya, siguro kasi ako masyado lang akong vocal and he’s different naman,” sey pa ng dalaga na bina-bash ngayon dahil nagmumukha na siyang kawawa sa paghahabol kay Jake.