IN fairness natupad na ni Dingdong Dantes ang isa sa matagal na niyang pangarap, amg makatapos ng college. Kahapon gumradweyt ang Kapuso Primetime King.
Natapos ni Dingdong ang kursong Business Administration major in Marketing sa West Negros University. Siyempre, nandu’n sa graduation rites ng aktor ang dalawa sa mahalagang babae sa buhay niya, ang mommy niya na si Mrs. Angeline Dantes at ang girlfriend niyang si Marian Rivera.
Ang tanong, ngayong graduate na si Dingdong, kasal na nga kaya ang kasunod? Well, that’s another story to tell. Wait na lang tayo sa kanilang official announcement.
Pero gusto lang naming kontrahin ang mga nagsasabi na baka raw mauna pang mabuntis si Marian kesa sa kasalan. We believe na mas gusto pa rin ni Dingdong na mauna ang wedding kesa anak.