Lalaking darating (2)

Sulat mula kay E.L., ng Sapang Dalaga, Misamis Occidental
Problema:
1.     Napakabilis ng mga pangyayari.  Nang mag-eyeball kami ng textmate kong lalaki ay naging boyfriend ko agad siya.  Napakasarap ng mga sandaling kasiping ko siya kaya sunud-sunod na ang pagkikita namin hanggang sa mabuntis ako.  Heto na ang problema.  Hindi pala siya binata.  May asawa na siya’t may pamilyang binubuhay.
2. Hanggang sa nag-text sa akin ang babae na nagpakilalang asawa ng boyfriend ko.  Ang masakit, ako pa ang kanyang inakusahang nanggugulo sa pamilya niya. Hindi na nagpakita ang boyfriend ko at ilang araw na lang ay isisilang ko na ang bunga ng aming pagniniig. Babalik pa kaya sa akin ang aking boyfriend?  Pananagutan ba niya ang bata at susustentuhan?  Ano ang mangyayari sa buhay ko?
Umaasa,
E.L., ng Sapang Dalaga, Misamis Occidental
Solusyon/Analysis:
 Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius  (Illustration 2.) ay nagsasabing ang lahat ng mga pagsubok na pinagdadaanan mo sa kasalukuyan ay malalagpasan mo rin, hanggang sa dumating ang ikalawang pag-ibig na hatid ng isang Gemini. Sa kanyang pagdating, habambuhay ka nang liligaya kahit pa sabihing isa kang dalagang ina.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing namang dahil likas kang mabait at mabuting tao, darating ang takdang panahong gagantimpalaan ka rin ng kabaitan at kabutihan ng tadhana. Mangyayari ito sa sandaling dumating na sa last quarter ng taon ang lalaking isinilang sa petsang 29.
Graphology:
Upang matiyak na sa ikalawang pag-ibig at pakikipagrelasyon ay hindi ka na luluha pang muli, ayusin at pagandahin mo ang nababoy at may malaking bilog na lagda sa unahang bahagi ng iyong pirma. Magagawa mo iyan sa pamamagitan ng pagsulat ng simpleng “M” na lang. Sa ganyang maayos at simpleng lagda ay sa ikalawang pakikipagrelasyon habambuhay kang liligaya.
Huling payo at paalala:
E.L., ayon sa iyong kapalaran, kung buntis ka ngayon ay okey lang ‘yan. Lilipas at mapaglalabanan mo ang pagsubok na nabanggit at kahit na maging dalagang ina ka pa ay nakatakda na ang magaganap. Sa taon 2015, isang lalaking nagtataglay ng initial na R.A. ang iyong makikilala, magiging boyfriend mo siya at kahit na dalagang ina ka ay wagas niyang mamahalin. Makakasama mo rin siya sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Read more...