Pacquiao sasagupain si Cotto sa sparring


PINAGPAPLANUHAN ni trainer Freddie Roach na isagupa sa sparring si Manny Pacquiao laban kay Puerto Rican boxer Miguel Cotto bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa rematch kontra kay Timothy Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Si Cotto ay pinatulog ni Pacquiao noong 2009 pero ang dalawa ay nasa Wild Card gym at nagsasanay para sa kanilang mga susunod na laban dahil kinuha ng una si Roach para siyang maging trainer.

Sa Hunyo 7 sasampa ng ring ni Cotto laban kay WBC middleweight champion Sergio Martinez. “We’re 100 percent ready for this fight,” pahayag ni Roach patungkol sa labang haharapin ni Pacquiao.

Sinisikap ni Roach na ibalik ang dating tikas ng Pambansang Kamao lalo pa’t si Cotto ang siyang huling boksingero na natulog sa kanyang kamao.

Kailangang bumalik ang dating Pacquiao para maibangon ang sarili mula sa di inaasahang split decision pagkatalo kay Bradley noong 2012 para maagaw din ang WBO welterweight title.

Iba ang kilos ni Cotto kumpara kay Bradley pero naniniwala si Roach na makakatulong siya sa hanap na pagpapalabas ang dating porma ni Pacquiao.

“I’ve been thinking about them sparring. It might be too close to Manny’s fight and not the right style for Manny’s fight. But I believe good work makes you sharp no matter who you’re fighting,” dagdag ni Roach.

Lahat ng puwedeng gawin para maikondisyon nang husto si Pacquiao ay gagawin ni Roach upang mapatotohanan ang hanap na KO panalo.

( Photo credit to INS )

Read more...