2 player ng Gilas Pilipinas mapapalaban kay Bossing


Sa pagsisimula ng isa na namang kapana-panabik na season ng Who Wants to be a Millionaire ng TV5, tampok sa season-opener nito ang dalawa sa bigatin at paboritong manlalaro ng Gilas Pilipinas basketball team, sina LA Tenorio at Larry Fonacier.

Parehong kilala sa kanilang bilis at bangis sa loob ng basketball court ang magkaibigang ito, na dati ring nagkasama sa Men’s Basketball Team ng Ateneo de Manila University.

Dadaan naman sila ngayon sa matinding pagsubok mula sa iba’t ibang  tanong na ibabato ni Bossing Vic Sotto. Magtatagumpay pa rin kaya ang kanilang tried-and-tested teamwork sa episode na ito?

At kung anong galing nila sa paglalaro ng basketball ganoon din kaya ang kaalamang ipapakita nila habang nasa hotseat ng Who Wants to be a Millionaire?.

Makakamit kaya nila ang inaaasam na P2 milyon grand prize para sa kanilang napiling charity, ang “Hope for Coby”?
Kasing-tindi ng isang basketball game ang tension at excitement sa pagbubukas ng 12th season ng Who Wants to be a Millionaire, kaya siguraduhing tumutok ngayong gabi, 7:15 p.m. sa TV5!

Read more...