Talk ‘n Text itataya ang win streak vs Ginebra

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3 p.m. Meralco vs Air21
5:15 p.m. Brgy. Ginebra vs Talk N Text

IPAGPAPATULOY ng Talk ‘N Text ang pagragasa nito sa pagtutuos nila ng Barangay Ginebra San Miguel sa PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-5:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ikatlong panalo naman sa limang laro ang target ng Air21 at Meralco na magkikita sa alas-3 ng hapon na opening game.
Ang Tropang Texters, na naghahagad makabawi buhat sa masagwang performance sa nakaraang Philippine Cup kung saan nabigo silang maidepensa ang korona, ay nangunguna sa kartang 5-0 at galing sa 91-68 panalo kontra Meralco noong Biyernes.
Sa gabi ring iyon ay pinatid ng Barangay Ginebra ang two-game losing skid nito nang maungusan ng Gin Kings ang Globalport, 113-107, para sa 2-2 record.

“We want to continue whatever success we’re having right now. Our goal is to finish the elims at the top two because that’s the only advantage you’ll have in ths tournament,” ani Talk ‘N Text coach Norman Black.

Idinagdag ni Black na kailangang ituloy ng Tropang Texters ang kanilang defensive effort. Hindi masyadong humahanap ng puntos ang Talk ‘N Text sa kanilang import na si Richard Howell dahil sa rebounding ang kontribusyon nito.

Ang puntos ay nanggagaling sa mga locals na tulad nina Ranidel de Ocampo, Jason Castro, Larry Fonacier at Jimmy Alapag.
Kahapon sa Big Dome, nakalusot ang San Miguel Beer sa Barako Bull, 106-100, para masungkit ang ikaapat na panalo sa limang laro.

Si June Mar Fajardo ang nanguna para sa Beermen sa itinalang 16 puntos at 11 rebounds. Tinambakan naman ng San Mig Coffee ang Rain or Shine, 91-74, para makubra ang ikatlong sunod na panalo.

Pinamunuan ng import na si James Mays ang Mixers sa ginawang 18 puntos.

( Photo credit to INS )

Read more...