Marian kinawawa na naman…Angel mas maraming Tv Ads at Best Actress Award


Nakakatawa ang isang Facebook fan page, talagang pinagkumpara ang achievements nina Angel Locsin at Marian Rivera. Lahat ng awards, nominations at citations here and abroad ay talagang ipinost nila.

Acting-wise ay malaking-malaki ang agwat ni Angel kaysa kay Marianita. Ilang best actress awards na ang kanyang nakuha samantalang si Marian ay bilang na bilang mo lang talaga.

Kung box-office result naman ang pag-uusapan ay lamang na lamang pa rin si Angel. Ilang movie na niya ang more than P100 million ang tinabo sa takilya samantalang ang last two movies ni Marian ay pawang flop.

Kung commercial naman ang pag-uusapan ay ahead pa rin si Angel. Around five yata ang umeere niyang commercial today samantalang wala pa yata si Marian.

Ang alam namin ay sunud-sunod ang paglabas ng commercials ng dyowa ni Dingdong Dantes pero sorry, hindi na siya makakahabol dahil mas maraming commercials pa rin si Angel sa kanya.

Read more...