Ellen Adarna 18 pa lang itinakwil na ng ama | Bandera

Ellen Adarna 18 pa lang itinakwil na ng ama

Julie Bonifacio - March 23, 2014 - 03:00 AM


PAREHONG desirable para kay JC de Vera ang lead partner niya sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Moon of Desire at co-star din nila sa show na si Ellen Adarna.

Pero malaking factor daw ang innocent look ni Meg para sa kanya. Kaya raw parating seksi sa paningin niya ang kanyang bagong ka-loveteam.

Kunsabagay, mismong si Ellen ay umamin na party girl siya and at the age of 18 pa lang ay “itinakwil” na siya and her siblings ng ama nila sa bahay. Ganoon daw kasi ang kinalakihan ng foreigner na dad ni Ellen na independent na sa ganoong edad.

At saka, 25 naman na si Ellen kaya ‘di na siya talaga mukhang inosente. Among the female cast members ng Moon of Desire, walang duda na si Ellen talaga ang magpapatindi ng init sa hapon ng televiewers.

Ibinuking nga ni JC ang mga kasamahan niyang male star sa serye kapag dumating si Ellen sa set nila. “Alam ninyo ilalalaglag ko na ang mga lakaking kasama ko sa show.

Kapag si Ellen pumapasok sa taping namin lalo na sa umaga lahat po kami tumatayo rin. As in, napapatayo kami kay Ellen. Nagiging alert kami,” sey ni JC sa grand presscon ng Moon of Desire.

Bilib nga si JC sa pagiging professional ni Ellen sa set. Nakunan na kasi ang eksena nila sa loob ng kotse. “Well, masaya ko sa ginawa namin (ni Ellen). Kasi bigay, e, todo. Hindi naman todo. Ha-hahaha!”

Wala raw tanong-tanong si Ellen kung paano ie-execute ang eksena nila sa loob ng kotse. “Nu’ng sinabi sa kanya na ganito ang scene, wala siyang dalawang-isip. Tapos ‘yun, take one.

Ako naman sa part ko, very thankful ako kay Ellen syempre mahirap din naman gawin ‘yung mga ganong eksena pero pinadali niya rin para sa amin,” lahad ni JC.

Tanggap naman ni JC kung puro sexy roles ang ibinibigay sa kanya, “Although, dito sa Moon of Desire, not necessarily talaga na seksi.

Bago naman i-offer sa akin itong show, sinabi naman nila sa akin kung ano ‘yung plot, kung ano ‘yung tatakbuhin ng story. Syempre nagkaroon ng negotiations, agreements between the production and ‘yung management (ko).

Maganda naman ‘yung napag-usapan. Kasi ako naman talaga hindi maselan sa kung anuman ang character. So, kapag kailangang i-expose ‘yung katawan mo, prepared naman ako, e.

“‘Yun ‘yung isang bagay na ayokong mawala sa akin. Ayokong mapabayaan ang katawan ko. At hindi   naman all the time nakahubad ako, ‘di ba? Tuwing kinakailangan lang talaga sa eksena,” paliwanag ni JC.

Kasama rin sa cast ng serye sina Dominic Roque, Miko Raval.Precious Lara Quigaman, Carmi Martin, Perla Bautista, Beauty Gonzales, Dawn Jimenez at Franco Daza, sa direksyon nina FM Reyes at Raymund Ocampo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang orihinal na theme song na “Moon of Desire” ay nilikha ni Trina Bellamide at inawit ng The Voice of the Philippines finalist na si Morissette Amon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending