Boy double winner sa Golden Screen Awards; GMA waging Best Tv station


MY favorite Maalaala Mo Kaya – the longest-running drama anthology won again for its outstanding ran in TV drama through the years.

Two of its episodes brought honors to Joem Bascon and Iza Calzado who romped off with the Outstanding Single Performance of an Actor/Actress in Drama respectively. Kuya Boy Abunda naman won as Outstanding Male Showbiz Host with The Buzz winning the best showbiz show.

Kuya Boy also won for Bottomline along with this show in its category, kaya double victory para sa pinakamamahal kong kaibigan. Nay Cristy Fermin naman won for Outstanding Female Showbiz Host.

My dear friend Allan K won naman as Outstanding Male Variety Show Host for my favorite Eat Bulaga while Anne Curtis romped off with the Outstanding Female Variety Show Host for Showtime.

Suma-total, mas maraming nauwing awards ang GMA 7 over ABS-CBN and TV5 and other networks. Sila ang nanalong Best Station kumbaga.

“Mas maganda ang dating ng Enpress TV Awards na ito dahil walang iskandalo. Wala kasing bilihan. Lumabas ang tunay na winners unlike sa PMPC Star Awards recently na dama mo ang dayaan.

Sayang nga lang at hindi kasing liquid in terms of sponsors ang Enpress kaya di sila live na mapapanood on TV,” anang isang observer na natatawa tuwing naalala nila ang pagkapanalo ni Vice Ganda as Best Actor sa recent PMPC awards.

Kami rin ay natawa sa comment nitong kaibigan namin. Hindi na lang kami nag-elaborate dahil napagod na kami sa katututok sa isyung ito. Parang waste of energy lang dahil deadma naman ang pamunuan ng PMPC dahil kahit buko na pinaninindigan pa rin nila ang choices nila. Eiwwwwwwww!

Ang cute ni Ruru Madrid. He won as Breakthrough Performance by an Actor sa TeenGen ng GMA. Ang husay kasi ng batang ito sa show na iyon kaya wagi si bagets.

Dennis Trillo naman won as Outstanding Actor in Drama along with his female counterpart Carla Abellana as Outstanding Actress in Drama via My Husband’s Lover na siya ring nanalong Outstanding Original Drama Series of sort.

Daming nauwi trophies ng My Husband’s Lover kaya maraming beki ang nagbunyi. Anyway, congrats sa Enpress sa pamumuno ni kaibigang Jun Nardo na hindi nagpa-lobby. Ha-hahaha! Sayang ang ibang palabas na nais pa namang manalo – hindi talaga pinalusot.

Read more...