Lalaking darating | Bandera

Lalaking darating

Joseph Greenfield - March 23, 2014 - 03:54 AM

Sulat mula kay E.L., ng Sapang Dalaga, Misamis Occidental
Dear Sir Greenfield,
Napakabilis ng mga pangyayari.  Nang mag-eyeball kami ng textmate kong lalaki ay naging boyfriend ko agad siya.  Napakasarap ng mga sandaling kaliping ko siya kaya sunud-sunod na ang pagkikita namin.  Hanggang sa mabuntis ako.  Heto na ang problema.  Hindi pala siya binata.  May asawa na siya’t may pamilyang binubuhay.  Hanggang sa nag-text sa akin ang babae na nagpakilalang asawa ng boyfriend ko.  Ang masakit, ako pa ang kanyang inakusahang nanggugulo sa pamilya niya.  Hindi na nagpakita ang boyfriend ko at ilang araw na lang ay isisilang ko na ang bunga ng aming pagniniig.  Babalik pa kaya sa akin ang aking boyfriend?  Pananagutan ba niya ang bata at susustentuhan?  Ano ang mangyayari sa buhay ko?
Umaasa,
E.L., ng Sapang Dalaga, Misamis Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.)  sa iyong palad. Isang magulo, na pangit at nabiyak  (arrow 1.) at isang maayos at magandang Marriage Line (arrow 2.). Ibig sabihin kung minalas ka sa unang pag-ibig, tiyak na sa ikalawang pakikipag-relasyon susuwertehin at papalarin ka na. Kaya ang masasabi ko lang sayo, umibig kang muli hanggang sa dumating ang tunay na magmamahal sa iyo.
Cartomancy:
Okey lang na mawala ang mga walang kuwentang lalaki sa buhay ng babae, dahil ayon sa mga barahang Jack of Diamonds, Queen of Diamonds at Eight of Hearts (Illustration 1.), ‘wag mo nang isiping babalik pa siya, dahil may bagong lalaking darating na mas higit pa sa kanya, mas may kaya sa buhay, tapat at panghabambuhay na.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending