Basta di pa 60 y/o pwede pang maghulog sa SSS | Bandera

Basta di pa 60 y/o pwede pang maghulog sa SSS

Lisa Soriano - March 22, 2014 - 03:00 AM

MAGANDANG araw po sa bumubuo ng Aksyon Line. Gusto ko lang po sanang magtanong tungkol sa SSS ng aking mother na si Gng. Olga Permejo Labayna na may SSS no. 3308815460. Isang beses lang po siya na nakapaghulog ng kanyang contribution sa pamamagitan ng boluntaryong pagbabayad.

Siya po ay 56 taong gulang na. Pupwede pa po ba niyang ipagpatuloy ang kanyang paghuhulog kahit apat na taon lamang at mag 60 years old na siya? May maliit naman po kaming tindahan na pupwde siyang makapagbayad ng contribution.
Sana po ay matulu-ngan ninyo kami.
Aiza

REPLY:Ito ay may kaugnayan sa liham na
ipinadala ni Aiza kung saan tinatanong niya kung maaaring maghulog ng contributions ang kanyang ina na ngayon ay 56 taong gulang na.

Hangga’t hindi pa umaabot sa 60 years old ang isang tao, maaari pa siyang maging miyembro ng SSS at maghulog ng kanyang contributions.

Ayon kay Ms. Aiza, ang kanyang ina ay naghulog sa SSS sa pamamagitan ng boluntaryong pagbabayad. Ayon sa aming verification, walang lumalabas na hulog si Olga P. Labayna. Maaaring ganito ang nangyari dahil sa naghulog siya bilang voluntary member.
Ang voluntary member program ng SSS ay ginagamit lamang ng mga taong dati nang may hulog noong sila ay employed sa private company o noong sila ay registered na self employed sa SSS na natigil sa paghuhulog at nais ipagpatuloy ang pagbabayad ng hulog. Ito ay hindi maaaring gamitin bilang panimula sa pagbabayad ng contributions.

Nasabi din ni Ms Aiza na ang kanyang ina ay may maliit na tindahan. Dahil dito, pinapayuhan po namin ang ina ni Ms. Aiza na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS para mag register bilang self employed. Magdala ng kanyang ID at business permit bilang patunay ng kanyang pagkakaroon ng tindahan. Dalhin din ang mga resibo ng pinagbayarang contributions dati para ito ay maisaayos kapag siya ay naaprubahan na bilang self employed member ng SSS.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang in-yong mga katanungan.

Salamat sa inyong pa-tuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@gmail.
com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending