Sulat mula kay Luvim ng Barangay Kahayagan, Pagadian City
Dear Sir Greenfield,
1. Nagtapos ako bilang guro at ang espesyalidad ay sa elementarya. Malapit kasi ako sa mga bata at noon pa man ay pangarap ko nang maging guro kahit ang sabi nila ay maliit lang daw ang suweldo. Hindi ko nagagamit ang aking pinag-aralan dahil ako’y contractual worker lang at hindi umaabot sa anim na buwan ang trabaho.
2. Nakaiinsulto na underemployment ang klasipikasyon ko kahit na ako’y may diploma. Hindi nga lang ako nakapasa sa eksamen. Kailan kaya ako makahahanap ng matinong trabaho at mare-regular? Nahihiya na ako sa mga magulang ko. May 25, 1992 ang birthday ko at wala pa ring boyfriend. Kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa?
Luvim ng Barangay Kahayagan, Pagadian City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang z
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing may malaking suwerte sa taon ito hanggang 2015, sa tulong ng lalaking isinilang sa petsang 7. Sa sandaling may dumating sa buhay mo na lalaking isinilang sa petsang 7, siya ang mala-superman na tutulong sa iyong career at magiging boyfriend mo upang tuluy-tuloy ka nang umunlad at liligaya habambuhay.
Luscher Color Test:
Upang madali kang makapasok sa regular na trabahong related sa course mo, tuwing mag-aaplay magsuot ka ng kulay na red at dilaw. Sa ganyang kulay, susuwertehin ka na at tuloy-tuloy ng gaganda ang iyong kapalaran.
Huling payo at paalala
Luvim, ayon sa iyong kapalaran, hindi ka dapat mainip, dahil sa last quarter ng taon ito, ganap na gaganda ang iyong kapalaran, lalo na sa career. Tulad ng nasabi na, isang lalaking isinilang sa petsang 7 na may zodiac sign na Virgo ang tutulong sa iyo, upang mapasok ka sa isang malaking kompanya na may kaugnayan sa pagkain. Sa nasabing kumpanya na may kulay red na logo, mareregular ka at tuluy-tuloy na aasenso, hanggang sa bandang huli, yon lalaking tumulong sa iyo upang magkaroon ka ng regular na trabaho na may initial na R.A. ang siya mo naring maging boyfriend at tuluyang makasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Guro underemployed (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...