Para sa may kaarawan ngayon: Ipriority ang mga taong nagmamahal sayo. Ipadama sa kanila na hindi mo nakakalimutan ang iyong obligasyon. Sa pananalapi, darating ang araw ang mga taong minahal mo ang siya ring tutulong sayo. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Valefor-Vassago-Vepar”. Red at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Hindi ka dapat umasa sa mga pangako, dahil sa bandang huli, hindi naman tutuparin ng mga taong nangako ang kanilang pangako. Hindi mo dapat na asahan ang salapi na hindi mo pa hawak. Sa pag-ibig, maging masaya sa kasalukuyang sitwasyon. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Zepar-Malapahr-Hagar.” Violet at white ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Wag pahirapan ang sarili. Sabihin ang tunay na nasa sa loob. Sa pananalapi, maging prangka sa mga ka-transaksyon. Sa pag-ibig, hindi masama kung sayo na mismo magsisimula ang “initiative” upang muling mabuo ang relasyon. Mapalad ang 3, 18, 26, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Lilac at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Sa tuloy-tuloy na pagkilos at pagtitiyaga makukuha ang pagyaman. Sa pag-ibig, tama ang iyong ginawa, panatiliing second priority lang ang kasuyo at sabihin sa sariling “Ang priority ko talaga ay kung paano darami ang pera!” Mapalad ang 5, 13, 19, 29 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” Blue at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Ubusin ang lahat ng oras sa pagre-relax bago ka magkasakit. Mag-isip ng saktong pagkakakitaan na magiging malusog ang iyong katawan at isipan. Sa pag-ibig, isama ang kasuyo sa pamamasyal sa beach. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Om-Umati-Chal-Umati-Om.” Crystal green at blue.
Leo – (July 23 – August 22)— Sa araw na ito ibat-ibang papuri ang iyong maririnig. Panatiliin ang pagpapakumbaba upang lalong tumaas ang kita. Sa pag-ibig, pakiligin ang minamahal, sabihin sa kanyang: “Mahal, ang lahat ng ginagawa ko ay para sayo!” Mapalad ang 1, 17, 22, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jehova-Hella-Cytheria.” Orange at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Susubukin sa araw na ito ang iyong pagkatao. Manatiling matatag kahit na maraming bayaring kinakaharap. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyo, parang may kulang – abutan siya ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Verchiel-Hamaliel-Barchiel.” Red at maroon ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— I-priority ang mga bagay na may kaugnayan sa pagkakaperahan kahit na gaano ka-hectic ang iskedyul. Sa pag-ibig, mag-text sa kasuyo, umaga, tanghali at gabi, at sabihin sa kanyang: “I love you, I miss you.” Mahiwaga mong mantra: “Orobas-Orias-Solas.” Gray at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Paglabanan ang kapusukan! Maging maingat sa pakikipag-relasyong may kaugnayan sa ka-immoralan. Sa pananalapi, wag magpa-bola sa matatamis na dila ng mga nagre-recruit sa negosyong pyramiding. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Red at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Maging mautak! Magkunwaring laging walang pera upang hindi ka mautangan. Sa pag-ibig, wag mahirating ikaw lagi ang taya, sa susunod ninyong pagde-date, siya naman ang pagastusin mo. Mapalad ang 9, 18, 26, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Daig ng mautak, ang masipag!” Maroon at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Pagbutihin ang pakikitungo sa nakakataas! Wag komontra ng komontra. Sa ganyang paraan, may malaking salaping matatanggap. Sa pag-ibig, okey lang na ang kasuyo ang magtrabaho ng magtrabaho upang wag kang masyadong mapagod. Mapalad ang 4, 16, 22, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Advachiel-Hanael-Cambriel.” Black at violet ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa pinansiyal, isang kaibigang nasa abroad ang magkakatulong sa prolemang may kaugnayan sa pananalapi. Sa pag-ibig, tandang walang malayo at malapit sa isang pusong nagmamahal. Mapalad ang 4, 8, 25, 28, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Neberius-Murmur-Furfur.” Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Gawing memorable ang araw na ito. Makisama sa mga nag-aayang kaibigan. Sa pananalapi, mas mahalaga parin ang masaya, kaysa sa marami ngang pera, pero malungkot ka naman. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang masarap na paglalakwatsa. Mapalad ang 7, 18, 22, 23, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Eat, drink and be merry.” White at lilac ang buenas.