Sam Concepcion: Bakit naman ako maiinggit kay Enrique?


Walang napi-feel na selos o insecurity si Sam Concepcion kay Enrique Gil. Sa bagong teleserye kasi ng Dreamscape Entertainment na Mira Bella, mas napagtutuunan ng pansin si Enrique bilang ka-loveteam ni Julia Barretto.

Siya kasi ang gaganap na ka-love triangle ng dalawa sa fantasy soap ng ABS-CBN na magsisimula na sa Lunes sa Primetime Bida. “Well, ganu’n talaga, e.

Minsan ako yung suporta, minsan ako yung susuportahan, depende yun sa role. I’m very happy na meron ulit akong teleserye.
“Ganu’n din, masaya rin ako para kay Enrique.

Hindi ko nga alam kung bakit tinatanong ako kung nagseselos ako or may jealousy. Masaya naman ako and secure naman ako sa ginagawa ko,” ani Sam.

“Rivalry? Wala, walang rivalry. Si Enrique, matagal ko nang kakilala, matagal ko nang kasama. Dati na kaming magkaibigan,” paglilinaw ng  boyfriend ni Jasmine Curtis.

Hirit pa nito, “Kapag napanood niyo ang Mira Bella, doon niyo maiintindihan ang roles namin at ang istorya.”

Read more...