I’VE never cut my personal relationship with many PMPC members – mga kasama natin iyan sa trabaho and many of them I care so much for. I am very personal with my friendship with many of them.
My gosh! Bago pa man nagsulputan ang maraming members nila sa mundo namin, barkada na namin ang ilang original members ng grupo.
But you know, may mga bagay-bagay talaga sa mundo na kailangang masupil kung minsan – sometimes sacrificing one percent of one’s integrity to get through some major reflections.
Tulad nitong mga nakaraang linggo – you know naman siguro my story on how they run their recent PMPC Star Awards for Movies kung saan ipinanalo nila si Vice Ganda who was far behind in acting over their rightful winner Joel Torre and second best na si Jeorge “ER” Estregan.
Kumbaga, milya pa ang kakainin ni Vice Ganda para makapantay man lang sa dalawang maka-at par award-winning actors natin. Maybe a better project na talagang panlaban in the next episodes of his acting career.
Parang too soon pa kasi dahil his role in “Girl Boy Bakla Tomboy” wherein he played four characters didn’t do much for him, para lang siyang nagpalit-palit ng damit pero ended up the same Vice Ganda character.
It’s not enough to base the trophy sa box office results ng movie niya – iba ang sistema ng Metro Manila Film Festival – it’s more of a Christmas celebration more than a festival.
Huwag na tayong magmaang-maangan pa – ganoon talaga sila ever since. Anyway, I have said my piece regarding the bilihan ng boto. Kaya ako sure sa sistemang ganoon because I was primary player sa laro nila.
Imagine, sa 38 voting members, 22 committed with me and there were 16 left para paghati-hatian ng ibang Best Actor nominees pero in the end talo pa rin ako.
I lobbied for Gov. ER dahil ‘kako, kung hindi rin lang si Joel Torre and papanalunin nila, might as well lobby for the second best and that’s obviously Gov. ER who did well sa role ni “Shoot To Kill: Boy Golden”.
Ang pagkakamali ko lang – umasa akong nakuha ko na ang karamihan sa boto through their commitments pero nakalimutan ko na ang may hawak pala ng desisyon ay yung three members ng executive committee nila.
Two of them voted for Vice Ganda, I don’t know lang du’n sa isa pa. Well, sila ang may hawak ng secret ballots na ayaw pabuksan dahil it has to go through a legal process pa raw – mga palusot na mahirap supilin sa kanila dahil paninindigan daw nila iyon magkapitpitan man daw ng bayag.
Sure, why not, di ba? Ano naman ang laban natin kung sold na sila for Vice? Definitely, sira na sila sa public. Isinakripisyo nila ang kredibilidad nila sa publiko dahil nabayaran diumano sila ng kung sino mang may kapangyarihan.
Ha-hahaha! And mind you, may kumalat recently na ang tatlong execom members pala na ito ay nabigyan daw ng not less than P50,000 each para panalunin si Vice Ganda.
Kung sino ang nagbigay sa kanila ng ganoon kalaking halaga ay hindi natin alam. I spoke to one of the members ng PMPC na kausap daw ng isang past president, he swears daw na wala siyang tinanggap na P50,000, mamatay man daw ang buong angkan niya.
I may believe him, baka hindi nga naman P50K, malay natin, baka P49K lang or P51K but may not be exactly P50K. Ha-hahaha! Safe siya sa swear niya, di ba?
Last Thursday ay nagkasama-sama kami ng ibang members ng PMPC sa mini-lunch na pinatawag ni Sen. Bong Revilla.
“May meeting kami sa Friday (that’s yesterday) at sabi raw ay yung papangalanan mong members na nag-commit sa iyo for Gov. ER ay ii-expel ng PMPC.
Tatanggalin na raw sa club. Bakit yung mga bumoto lang kay Gov. ER ang tatanggalin nila? Bakit hindi pati yung bumoto kay Vice na binayaran din nila?
Naku, tingnan nga natin kung saan hahantong itong kalokahan ng mga executives namin sa PMPC,” sabi ng kausap namin.
Hasus! Nag-iilusyon ang mga taga-execom nilang ito. Parang sila ang nagtatag ng PMPC, ah.
Nakalimutan nilang minana lang nila ang club na ito sa mga credible senior friends natin sa entertainment industry. Instead na alagaan ang integridad ng club ay nininegosyo lang ng iba sa kanila.