5-0 START PAKAY NG TALK ‘N TEXT

Mga Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
5:45 p.m. Talk ‘N Text vs Meralco
8 p.m. Barangay Ginebra vs Globalport
Team Standings: Talk ‘N Text  (4-0); San Mig Coffee (2-0); San Miguel Beer (3-1); Meralco (2-1); Air21 (2-2); Alaska Milk (2-3); Barangay Ginebra (1-2); Rain or Shine
(1-2); Barako Bull (1-3); Globalport (0-4)

IPAGPAPATULOY ng Talk ‘N Text at Meralco ang kanilang winning ways sa kanilang pagkikita sa PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-5:45 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Hangad naman ng Barangay Ginebra San Miguel at Globalport na  makabangon sa mga kabiguan sa kanilang pagtutuos sa alas-8 ng gabi na main game.

Ang Tropang Texters ay nasa itaas ng standings sa record na 4-0. Sila ay isa sa dalawang koponang hindi pa nakakatikim ng pagkatalo, ang isa’y ang San Mig Coffee (2-0).

Ang Talk ‘N Text ay pinamumunuan ng matinding rebounder na si Richard Howell na sinusuportahan nina Jason Castro, Jimmy Alapag, Kelly Williams, Ranidel de Ocampo at Niño Canaleta.

Natalo ang Meralco sa unang laro nito kontra San Miguel Beer, 84-76, subalit nakabawi sa pamamagitan ng panalo kontra defending champion Alaska Milk (85-76) at Globalport (104-99).

Ang Bolts ay sumasandig sa 6-foot-10 na si Brian Butch na siyang pinakamatangkad sa mga imports. Bagamat hindi siya dominanteng rebounder ay matinding shooter naman si Butch na may tira hanggang sa three-point area.

Katuwang ni Butch sina Gary David, Cliff Hodge, Reynell Hugnatan at John Wilson.

Inaasahang magbabalik sa active duty matapos na hindi makapaglaro sa huling dalawang laro bunga ng injury si Jared Dillinger. Hindi pa rin makakasama ng Bolts ang lead point guard na si Mike Cortez subalit napupunan naman nina AJ Mandani at Anjo Caram ang kanyang pagkawala.

Matapos na magwagi laban sa Barako Bull, 108-104, sa overtime, ang Barangay Ginebra San Miguel ay natalo nang dalawang sunod sa San Miguel Beer at San Mig Coffee.

Ang Globalport ang tanging koponang hindi pa nakakatikim ng panalo sa torneo at nasa ibaba ng team standings sa record na 0-4.

Sa import matchup ay magtutunggali sina Leon Rodgers ng Gin Kings at Evan Brock ng Batang Pier.

Read more...