Salamat, Gawad Tanglaw

HAYAAN po munang ibida ko sa inyo ang isang karangalan na talagang nagpapataba ng aming mga puso dito sa Bantay OCW.

Kasi po, nitong mga nakaraang araw ang inyong pinagkakatiwalaang Bantay OCW ay muling pinarangalan ng Gawad Tanglaw.

Hindi naman po sa pagmamayabang, pang-anim na taon na po kaming nabibiyayaan ng parangal na ito at sadyang nakakataba ng puso ang ganitong pagkilala.

Tinanghal pong muli bilang “Best Public Service Program” ang Bantay OCW. At dahil sa sunud-sunod na pagkakawagi ng programang ito ay ay ginawaran na ito ng Hall of Fame Award sa katatapos na 12th Gawad Tanglaw na ginanap sa San Juan de Letran sa Calamba, Laguna.

Ito na nga ang ika-anim at huling parangal na tatanggapin ng Bantay OCW mula sa Gawad Tanglaw. Kaya naman ang aming taos pusong pasasalamat sa mga hurado ng Gawad Tanglaw. Siyempre pa, inihahandog naming ang pagkilalang ito sa milyon-milyon nating mga OFW saan man sa mundo – ang silang dahilan kung bakit merong Bantay OCW na siyang magiging tulay nila sa pagsusulong ng kanilang karapatan at kagalingan.

Nais ko ring ibahagi ito sa lahat ng mga tumulong at patuloy na tumutulong para maitaguyod ang programang ito; sa mga nakasama noon at mga kasama naming kasalukuyan na. Nang dahil po sa inyo ay hindi nagging imposible ang mapaglingkuran an gating mga kababayang OFW na nangangailangan ng tulong.

Maraming salamat din sa aming mga kapamilya sa Inquirer group: ang Philippine Daily Inquirer, Bandera, Inquirer Radio at sa www.inquirer.net sa walang sawa ninyong pagtulong sa ating mga OFW bilang kaagapay ng Bantay OCW sa nakalipas na mga taon.

At sa inyo na aming mga readers sa Bandera, asahan po ninyo na patuloy naming ibabandera ang inyong mga karapatan at makaaasa kayo na narito kami para duminig sa inyong mga hinaing at hari nawa’y patuloy kaming maging tulay para sa kasagutan at solusyon ng inyong mga problema.

Kaya nga kung kayo ay isang OFW, may kaanak na OFW o pamilya ng isang OFW na may suliranin sa inyong mga employer o amo, ahensiya, embahada o konsulado, narito kami na didinig sa inyong mga hinaing. Maaari po kayong tumawag sa 09276499870 o kaya sa 09209684700.

Mapakikinggan din nyo ang Bantay OCW mula Lunes hanggang Biyernes sa Inquirer Radio dzIQ990AM alas 10:30 hanggang 12 ng tanghali. Maaari rin kayong sumulat sa bantayocwfoundation@yahoo.com o kaya ay susankbantayocw@yahoo.com.

Read more...