Xian walang kadala-dala, mga fans binastos, inisnab sa airport

XIAN LIM AT KIM CHIU

Ooppps he did it again?

Xian Lim seems to be very insensitive sa feelings ng kanyang fans.

Muli na namang binatikos ang binata when somebody posted a message ng kanyang pang-iisnab sa ilang fans na lumabas sa isang very popular website.

Ang feeling daw ni Xian ay sikat na sikat na siya at pagkakaguluhan kaya naman super iwas daw ito sa mga tao.

Nasa airport ang binata at nag-iba raw ito ng upuan when he sensed na merong magpapa-autograph sa kanya.

At ang feeling pa raw ng binata ay may paparazzi kaya naman super iwas ito.

Actually, nakunan nga ng photo si Xian habang nakatalikod kasama ang isang girl.

Naku, Xian, isa ka pang PAPANGIT NANG PAPANGIT ang image, ha! Hindi ka na ba talaga matututo?

Actually, marami na ang nagsasabi na lumaki na talaga ang ulo ng Kapamilya star na ito. Mas lalo pa itong naging feeling superstar nang kumita ang kanyang movie kasama si Kim Chiu. He must have thought that he’s already arrived as a star dahil sa box office success ng kanilang movie.

Helllooooo! Xian must realize na hindi naman siya lang ang nagdala ng movie nila. He can’t claim na pinanood ang movie solely because of him. Between him and Kim, siyempre ay mas may fan base ang dalaga. Kaya wala pa siyang karapatang mag-feeling superstar!

Read more...