TUNAY nga na ang kalusugan ng kayamanan.
Kaya naman pinalawak ng Philhealth ang programa nito para sa mahihirap na pamilya.
Sa layuning matulungan ang mga indigent o mahihirap na pamilya, ilulunsad ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth ang “Alaga Ka Tungo sa Maayos na Buhay o Alaga Ka Program.”
Sabay-sabay na ilulunsad ang programa sa lahat ng rehiyon sa bansa sa pangunguna ni Pangulong Aquino.
Ang Alaga Ka ay isang malawakang kampanya kasama ang mga lokal na pamahalaan upang lalong maihatid sa 14.7 milyong mahihirap na pamilya ang mga pangunahing serbisyong kalusugan (primary care) ng PhilHealth at Department of Health.
Kabilang sa mga layunin nito ang mga sumusunod:
Mapataas ang kaalaman sa mga pangunahing serbisyong pangkalusugan (primary care services) na dapat nilang makamtan; at
Mahikayat ang publiko na gamitin ang mga ito para mapanatili ang kanilang kalusugan o kaya ay maagang masuri ang karamdaman para maagapan ang paglala nito.
Kasama sa programa ang libreng konsultasyon; regular blood pressure monitoring; pagpapayo sa pagpapasuso at pagtigil sa paninigarilyo; screening para sa breast at cervical cancers; digital rectal exam; at iba pa.
Kabilang din ang complete blood count; pagsusuri sa ihi, dumi at plema; fasting blood sugar; at chest X-ray batay sa rekomendasyon ng duktor; kasama ang mga gamot sa hika, matinding pagdudumi; pulmonya at impeksiyon sa daluyan ng ihi o UTI.
Sa pamamagitan ng nasabing bagong programa ng Philhealth, tiyak na mababawasan na ang mga kababayan nating mahihirap na namamatay na hindi napa-check up o naipagamot dahilan sa kawalan ng pinansiyal.
Ang Alaga Ka program ng ahensiya ay bukas sa lahat ng mga mahihirap na pamilya sa layuning masiguro ang maayos na kalusugan ng mga ito.
Subalit kailangang masiguro na nabibilang lamang talaga sa mahirap na sektor ang mabibigyan ng Philhealth ng ganitong benipisyo.
Dr. Israel Francis A.
OIC
Vice-President for
Corporate Affairs
Philhealth
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.
com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!