Bianca Napaiyak sa pagka-shock nang yayain ni JC Intal ng kasal

JC INTAL AT BIANCA GONZALEZ

Emosyonal at parang isang eksena sa teleserye ang naging proposal ng basketbal player na si JC Intal sa Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez kamakailan.

Naganap ang pagpo-propose ni JC sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2, bandang 4 a.m. kahapon. Nabatid na kinuntsaba ng PBA player (Barako Bull Energy) ang kasamahan niyang cager na si Doug Kramer at asawa nitong si Cheska Garcia para sorpresahin si Bianca.

Sa Instagram account ni Cheska, napanood ng mga netizens ang video kung saan makikitang na-shock ang TV host nang yayain siyang magpakasal ng boyfriend sa gitna ng maraming tao as airport. May banner pang nandu’n kung saan nakasulat ang, “Bianca, Please say YES” with matching red roses.

Talagang pinaghandaan ni JC ang nasabing eksena bago pa tumungo ng London si Bianca. Kumalat din sa social media ang isang video kung saan isinusuot naman ng player sa daliri ni Bianca ang kanilang engagement ring.

Sa isang interview, sinabi ni Bianca na handa na siyang magkaroon ng sariling pamilya, now that she’s already 31 years old. Feeling daw niya, kapag niyaya siyang magpakasal ni JC, yes na ang isasagot niya – at nangyari na nga!

Read more...