Anne matindi pa rin ang kamandag sa boys

ANNE CURTIS BILANG DYESEBEL

Grabe ang pagtutok ng mga Kapamilya viewers sa pilot week ng fantaseryeng Dyesebel sa Primetime Bida ng ABS-CBN starring Anne Curtis, Gerald Anderson at Sam Milby. Mula nang umere ito noong Lunes, talagang humataw na ito sa ratings game.

Mainit na tinutukan ng buong sambayanan ang unang paglangoy ni Dyesebel sa Kapamilya network. Kahit na nga hindi pa lumalabas si Anne ay tuluy-tuloy ang pagtaas ng rating nito. Bukod diyan, wala pa ring tigil ang pagiging trending topic ng serye sa social networking sites tulad ng Twitter.

Samantala, tiyak na lalong hihigpit ang kapit ng TV viewers sa pagpapatuloy ng kuwento ng Dyesebel, lalo na ngayong ipinanganak na nga ang anak nina Lucia (Dawn Zulueta) at Prinsipe Tino (Albert Martinez) na si Dyesebel. Paano haharapin ni Dyesebel ang kapalaran na itinakda para sa kanya? Mapag-iisa ba niya ang dalawang mundong matagal nang magkaaway?

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Dyesebel gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol. Sa lahat ng fans ni Anne na inip na inip na sa paglabas niya sa serye, huwag na kayong mainip dahil malapit na malapit na ‘yan! Sa mga boys naman na nahuhumaling at naglalaway sa seksing katawan ni Anne, tutok lang kayo dahil tiyak na mababaliw kayo sa alindog ni Dyesebel.

Read more...