Driver ka rin ba? (Part 6)

Pero, alam mo ba na ang ilegal na paglipat ng plaka sa ibang sasakyan, maliban na lang kung ito’y security plates at dokumentado ng LTO, kabilang ang stickers, ay pagmumultahin ng P10,000?
Sa ganitong paglabag sa batas, pananagutin ang may ari at operator ng sasakyan.
Ang driver na nagmamaneho ng sasakyan na ilegal na nailipat ang plaka ay sususpendihin ang lisensiya ng tatlong buwan.
Kapag ang sasakyan na taglay ang di niya plaka at ginamit sa krimen, ang may-ari nito ay pagbabayarin ng P12,000, at sususpendihin ang plaka, registration certificate at Official Receipt ng  dalawang taon.
Kaibigang kapwa driver, marami pa kaming tip para sa iyo.  Sundan bukas.  Hasta la vista.

Lito Bautista, Executive Editor – BANDERA
September 13, 2009

Read more...