Dapat ba may divorce na tayo ngayon?

KAMAKAILAN ay nakapanayam ng mga editor ng Bandera si Sen. Jamby Madrigal at hayagang ipinahayag ng senadora na pabor siya sa divorce.  Si Jamby ang pinakamataas na opisyal ng bansa na pabor sa divorce.  Ang isa pa ay si Rep. Liza Masa, na may akda ng panukalang nagsusulong sa divorce, pero di gumalaw dahil pinatulog na ng kanyang mga kasama sa Kamara.  Para kay Jamby, tatahimik ang pamilya
at uunlad ang bansa kapag may divorce.  Ano sa tingin mo?  Para sa amin, mas mahalaga ang tinig ng bayan kesa lider.

BANDERA Editorial, September 11, 2009

Read more...