VERY consistent si Julia Barretto sa pag-idolo sa kanyang tita Claudine Barretto, ang mga yapak daw ng aktres ang gusto niyang sundan. Gustung-gusto kasi niya ang mga roles na ginampanan noon ni Claudine pero siyempre type pa rin niyang magkaroon ng sariling identity sa showbiz.
“Yes, I simply adore the movies and TV roles she (Claudine) did. I grew up with those stuff and if given the chance, sana maging ganu’n din ang career path ko,” sagot nito during the presscon of MiraBella, ang kanyang launching soap sa ABS-CBN na magsisimula na ngayong Lunes, March 24.
Pero pagdating daw sa pagiging fabulosa at fashionista, sino pa ba naman daw ang kanyang gustong gayahin kundi ang tita Gretchen niya. “She’s soooo in it, no question. Pagdating du’n, siya na ‘yun,” hirit pa ng nag-uumapaw sa appeal na 17-year old daughter nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.
Sa MiraBella, kakaibang Julia ang mapapanood ng mga televiewers. Naniniwala kami na sa taglay na tatag at determinasyon ng dalaga, at sa angking talento nito, hindi imposibleng marating din niya ang na-achieve nina Claudine at Greta.