Karylle, Yael Yuzon gagawa agad ng baby para kay Zsa Zsa

YAEL YUZON AT KARYLLE

TIYAK na star-studded daw ang kasal nina Karylle at Yael Yuzon today sa isang undisclosed private venue dahil halos lahat ng friends nila from showbiz ay dadalo.

Tiyak, walang pagsidlan ng kanilang kaligayahan ang soon-to-be couple dahil talagang pinaghandaan nila ang ceremony na ito.

Don’t know lang kung tuloy pa rin ang pagpapatupad nila ng memo (memo daw, ow!) na walang taga-media na papayagang mag-cover ng kasalan but what’s this I heard na merong dalawang writers ang invited to the wedding? Baka super-close nila ang dalawa kaya hindi nila ma-resist na di sila imbitahan, di ba?

Don’t know yet kung saan sila tutuloy for their honeymoon soon. Balita ko they will go abroad para mas private din. Basta kami, we just wish them well sa kanilang pag-iisang dibdib. Alam n’yo naman na love namin iyang si Karylle.

Best wishes to you anak and congrats naman kay Yael. Sana’y biyayaan kayo ng maraming babies para lalo ninyong ma-enjoy ang buhay mag-asawa. Sarap yata ng maraming anak though mahirap magpalaki at magpaaral dala ng poverty. Poverty talaga. Ha-hahaha!

At feeling ko rin, ngayon pa lang ay may pressure na kina Karylle at Yael pagdating sa usaping anak dahil very open sa pagsasabi ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla, ang mommy ni Karylle na gustung-gusto na niyang magkaroon ng apo.

Sey pa ni Zsa Zsa sana raw ay makabuo agad ang soon to be husband and wife para ma-enjoy na niya ang pag-aalaga sa kanya kanyang magiging apo.

Miss na rin daw kasi ng Divine Diva ang pagkakaroon ng baby sa kanilang bahay.

Kaya let’s wait and see kung makakabuo agad sina K at Yael para mapagbigyan na ang hiling ni Zsa Zsa. Naku, hindi kaya dahil sa wish na ito ng mommy ni Karylle, e, magsunud-sunod ang kanyang pagbubuntis? Why not?

Read more...