GOOD morning, Doc, ask ko lang kasi nagdi-dysmenorrhea ako pag dumating ang dalaw ko kada buwan. Sinabihan ako ng kilala kong doktor na uminom ako ng Vinodicana. Di masyado masakit ang tiyan ko pagdumating ang dalaw ko. Tanong ko po ay kung wala ba itong side effect sa kalusugan ko? Thanks.
Ang dysmenorrhea ay ang pagkakaroon ng matinding pamimilipit na kirot sa puson kapag dumarating ang buwanang dalaw ng isang babae. Nangyayari ito dahil sa pressure ng menstrual blood sa loob ng matris at maaari rin dahil sa natapon na dugo sa loob ng pelvic cavity. Ang huli ay siyang nagiging sanhi ng endometriosis na nauuwi sa chocolate cyst sa paligid ng obaryo. Hindi nakakatulong ang mga iniinom na may alkohol at wala rin namang side effect ang mga ito kung iinumin nang katamtaman lang at hindi naglalasing.
GOOD pm po, Doc. Tanong ko lang po kung OK lang po ba gumamit ng pantyliner everyday? Wala po ba itong side effects? — ….1270
Ginagamit ang pantyliner dahil sa mas komportable at “feeling dry”. Sa isang babae na walang impeksyon sa kanyang reproductive organ, laging ang pakiramdam ay tuyo kung kaya’t hindi kailangan nito. Kapag may impeksyon, maaring makatulong ito para manatili ang hygiene ngunit kinakailangan na palitan ito nang madalas para maiwasan ang paglala ng impeksyon. Mayroon ding nagkakaroon ng allergic reaction at skin irritation. Kapag may ganito, kailangang iwasan ang paggamit ng pantyliner.
Doctor Heal, nagagamot pa po ba ang may sakit sa puso? Nagka-hypertension po ako dahilan sa kawalan ng exercise dahil sobrang busy sa trabaho dahil kakatapos lang ng bagyong Yolanda. May gamot po ako na Bisoprolol pero minsan parang may nakadagan sa dibdib ko. Sakit sa puso na rin po ba ito?—…8739
Depende sa kung gaano kalala ang sakit sa puso, ito ay may paraan sa paggaling. Ang selective beta blockers ay gamot sa puso na nakaluluwag sa trabaho ng tibok ng puso lalo na sa mga pasyente na mayroong alta presyon. Ang pakiramdam na may nakadagan sa dibdib ay di dapat balewalain, kailangan na masiguradong hindi nanggagaling sa puso ito. Sa pamamagitan ng ECG, 2-d Echo at Stress test, makikita kung ang masakit sa dibdib ay dahil sa puso o hindi. Magandang magpatingin sa cardiologist para makasiguro na healthy ang heart.
Good day, Dr. Heal. Magtatanong lang po. Ano po ba ang gamot para maging mataba ako? Kasi po ay payat ako. Gusto ko lang po magkalaman. Meron naman po akong iniinom na gamot kaso po di naman po ako tumataba. Thank you po. God bless. — ….0602
Kailangan magdagdag ng pagkain lalo na sa protina, at total caloric intake. Siguraduhin muna na wala kang problema gaya ng hyperthyriodism at iba pa. Magpatingin muna sa endocrinologist para maalis ang mga posibleng sanhi nito na galing sa endocrine imbalance. May mga appetite stimulant, growth hormone, supplements na maaring gamitin.
Good afternoon po, Doc. Magtatanong lang po ako if may pag-asa pang gumaling ang taong may hepatitis B. Salamat po. — ….2202
Natalakay na natin ito kamakailan. May mga sero-conversion na nangyayari kapag nabigyan ng bakuna o interferon. Kailangan ng masusing pag-aalaga sa atay kasama na rito ang gamot, nutrisyon at monitoring ng liver function. Dapat maiukit sa ating kaalaman na ang Hepatitis B ay maaring humantong sa liver cirrhosis at liver cancer. Napakamahalaga ang magbantay sa ating kalusugan.