Aiza bantay-sarado ang dyowa; wala nang urungan sa kasalan


Speaking of selosan naman ay ganito rin ang nangyari sa ex-husband at current partner ng dating beauty queen turned actress na si Liza Dino na kasama ngayon sa seryeng Mira Bella ng Dreamscape Entertainment.

Kuwento sa amin, nagkita raw sina Aiza Seguerra at ex-husband ni Liza noong umuwi ito ng Pilipinas galing ng Los Angeles, USA para dalawin ang ex-wife at anak nila.

“They look good together, the three of them, mukhang magkakasundo naman sila kasi lahat ng lakad kasama si Aiza. Di ba kapag ganu’n, may awkward moment? E, mukhang wala as in, parang matagal na ngang magkakilala sina Aiza and the ex-husband, eh,” sabi sa amin.

Samantala, may nagtsika sa amin ulit na sinundo ni Aiza si Liza pagkatapos ng Mira Bella presscon noong Martes sa ABS-CBN building, sayang hindi namin inabutan para hingan sana ng reaksyon.

May nang-intriga naman na bantay-sarado ni Aiza si Liza, baka raw natatakot itong may umagaw pa sa kanyang fiancé. He-hehehe!

Speaking of Mira Bella, ngayon lang pala gagawa ng serye sa ABS-CBN si Liza kaya naman abut-abot ang tuwa niya.
“Yes, I am very happy, I was given the opportunity and at least pagbalik ko rito, may work ding nag-aantay din sa akin, so I’m very happy that nandito na ako ulit,” pahayag ng aktres.

Bagama’t dito na maninirahan si Liza sa Pilipinas ay kailangan pa rin niyang pumunta ng Amerika, “As a resident, I need to go back once in a while kasi may inaayos pa akong mga papers for my citizenship.”

Samantala, ang karakter na Aster bilang mommy ni Sam Concepcion ang magiging papel ni Liza. Inalok daw sa kanya ang Mira Bella noong nagdesisyon siyang manatili na sa Pilipinas.

“Naalala ko ‘yon, I was leaving for the States kasi nagde-decide ako if mag-stay lang ako dito for six months or babalik-balik,” saad niya.

Malaking bahagi sa desisyon niya ang payo ni Aiza, “Sabi niya, ‘You know, mahirap ‘yong half-hearted ka. Pag dumating sa ‘yo ang blessings kailangan take the risks.

Hindi rin ibibigay sa iyo ‘yong blessings kasi gusto mo sa States, gusto mo dito.’ “So sabi ko, sige pikit mata, I’ll stay in the Philippines. Alam mo two days after tinawagan ako ng manager ko and told me na meron akong show.

So talagang blessing. “Kasi it’s a big move from US to here. So I’m very thankful sa Dreamscape kasi since umuwi ako dito, siguro two months pa lang, kinausap na nila ako for this soap,” aniya pa.

Tungkol naman sa nalalapit na kasal nina Liza at Aiza sa Amerika, “Between the two of us si Aiza ang maraming ideas. Ako siguro more on wedding preparations, meron lang akong wedding dress ganyan.

“Pero si Aiza sa aming dalawa siya ‘yong maraming pegs, maraming mga look, ganyan. So we’re working with a good team, meron na kaming choices in terms ng mag-style ng wedding namin.

If everything works out, maka-fly kami sa US for our own little ceremony there para ma-legalize ang wedding namin,” esplika ni Liza.

Bukod kay Liza, kasama rin sa Mira Bella sina Julia Barreto, Enrique Gil, John Lapus, Pokwang, Sam Concepcion, Mylene Dizon, James Blanco, Liza Diño, DJ Durano, Mika dela Cruz, Arlene Muhlach, Alora Sasam at Gloria Diaz sa direksyon nina Erick Salud, Jojo Saguin at Jerome Pobocan. Eere na ito sa Marso 24.

Read more...