Denise Laurel kailangan muna ng P10-B bago pakasalan ang dyowang PBA player


Suot ni Denise Laurel ang two-karat diamond engagement ring na ibinigay sa kanya ng Fil-Puerto Rican San Miguel Beer player sa PBA na si Solomon Mercado sa finale presscon cum birthday celebration na rin ng bidang si Andrea Brillantes sa Annaliza.

Although, proud si Denise na ipakita ang kanyang engagement ring sa amin, tumanggi naman siya na pakunan ‘yun ng litrato. Ibinigay ni Solomon ang singsing nu’ng birthday mismo ni Denise last Sept. 30. Bad trip na bad trip daw noon si Denise dahil pumalpak ang salang nu’ng kanta niya sa SM Mall of Asia Arena kung saan meron siyang show.

After her show, diretso na siya sa family dinner nila. Every weekend daw may family dinner sila. But this time, nagulat na lang siya nu’ng lumuhod sa harap niya si Solomon at ibinigay ang singsing.

Pero sa 2016 pa raw nila planong lumagay sa tahimik. Sa ngayon, wala pa raw silang naiisip ma exact date ng wedding nila, “We’re just enjoying what we have right now. We’re both very busy.

We’re both very young. He’s very supportive of what I do. Siya nga ‘yung pinakamalaking fan ng Annaliza. At mag-iipon muna, gusto ko ng P10 billion,”  kwento ni Denise.

Sobrang naka-relate naman daw siya sa role niya sa Annaliza bilang ina ni Andrea. Two years old na ang anak ni Denise na si Alejandro.

“So, marami akong natutunan sa role ko rito bilang ang tanda-tanda ng character ko. I know kung ano na ang gagawin ko kapag malaki na ang anak ko. Sana kasing bait siya ni Andrea,” wish ni Denise.

Hindi Pinoy ang ama ni Alejandro at nakatira sa Amerika. In fairness, niyaya naman daw siyang pakasalan nu’ng ama ng anak niya. Pero si Denise na ang tumanggi.

Katwrian niya, pareho pa silang mga bata that time. Bukod pa sa pagsabi sa amin ni Denise na takot din daw talaga siya sampag-aasawa.

Regarding financial support kay Alejandro ng ama niya, sinabi ni Denise na kung ano lang ang keri niyang ibigay for their son okey lang sa kanya. Kaya naman daw kasing ibigay ni Denise ang needs ng anak.

At magkaibigan naman daw sila ng ama ng anak niya.

Read more...