Galaw ng Numero: 7 ang mahiwaga

Dear David,
NAGTATRABAHO ako sa isang fastfood chain. Isa akong college dropout. Pero nangangarap pa rin ako na makapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Mahirap lang ang buhay namin at namatay na ang uncle ko na nagpapaaral sa akin.

Lima kaming magkakapatid. Walang matatag na trabaho ang mga magulang ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay.Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa?

Bigyan mo ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ano ba ang suwerteng negosyo para sa akin? Ipinanganak ako noong  Oktubre 16, 1989.

LOURDES NG TACLOBAN CITY

Dear Lourdes,
ECCENTRIC ang tawag sa iyo. Kakaunti lang ang nakakaunawa. Marami kang kakaibang ideya pero natatakot kang ikuwento sa ibang tao kasi’y baka pagtawanan ka. Inobasyon at talas ng imahinasyon ang magagamit mong puhunan sa pagtatagumpay.

Taglay mo kasi ang mahiwagang No. 7. Mahilig ka rin sa  hindi ordinaryong larangan o karunungan tulad ng mistisismo at relihiyon. Magiging dalubhasa ka  at bubuwenasin kapag pumasok sa negosyo na may kaugnayan sa mga modernong teknolohiya tulad ng cellphones, computer at internet.

Taglay mo rin ang mahiwagang No. 8 kaya’t makakaranas ka ng matitinding pagsubok kabilang ang serye ng mga dagok sa buhay pero malalampasan mo ito dahil iyan mismo ang magiging hagdanan mo at lisensiya tungo sa pag-angat sa ibayong pagtatagumpay sa hinaharap.

Makabalik ka sa pag-aaral sa kolehiyo, at dalawang kurso ang matatapos mo, magiging executive at magkakamal ng malaking kayamanan at maligayang pamilya.

May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong  2014 at 2015 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagtatapos sa kolehiyo, matatag na negosyo at masayang pamilya.

Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Disyembre at Marso lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 17, 23, at 30 partikular  sa araw ng Huwebes at Martes.

Kulay berde at itim ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo sa No.7 at No.8 ang no.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 1-5-11-19-23-25-34-36-40-42.
ASSET tips: 2-5-8/ 1-2-5/ 5-8-2. Wiretips: 2-3-7/ 8-3-6/ 8-9-2. Double digit: 2-6/ 3-7/ 8-3. Luzon guide: 1-6-11-17-23-27-34-37-40-42. VisMin: 2-5-11-18-23-27-34-37-40-42. MegaLotto: 1-5-11-18-23-27-34-37-40-42. Grand Lotto: 4-7-11-18-34-37-40-46-50-54. Four Number: 3-2-5-4/ 8-9-2-2/ 1-4-7-2.

Read more...