Angelica kay Kris: Sobrang strict niya!


AMINADO si Angelica Panganiban na hindi niya in-expect na magiging super close sila ni Kris Aquino.

Nagsimulang maging friends ang dalawa dahil sa pag-i-impersonate ni Angelica kay Tetay sa Banana Split.

Tuwang-tuwa kasi si Kris kay Angelica nang mapanood niya ito na ginagaya siya sa nasabing gag show.

At dahil nga diyan kaya nagkaroon sila ng mga bonding moments, hanggang sa magkasama na sila sa pelikulang “Segunda Mano” na isa sa mga official entry sa MMFF 2011.

Very thankful nga si Angelica dahil tatlong beses na siyang nakatanggap ng Best Comedy Actress dahil sa panggagaya niya kay Kristeta.

“Actually, sa totoo lang, super tight na ang friendship namin. Nakakatuwa. Sabi ko nga, ang sarap ng feeling na nakilala mo siya bilang tao, hindi yung bilang Kris Aquino na kapatid ng presidente, anak pa ng isang hero, hindi lang yung Kris na sikat na sikat,” chika ni Angel sa interview sa kanya ng The Buzz last Sunday.


Ayon pa sa girlfriend ni Derek Ramsay, talagang na-experience niya ang pagiging sincere ni Kris at ang pagiging mabuting friend nito, “Kaibigan talaga siya. Ang loyal niya.

Tsaka kapag nagkuwento siya ang dami niyang opinyon. Siguro more on ate yung turing ko sa kanya. Nilu-look up ko siya bilang matandang kapatid kasi ganu’n siya mag-advice. Tapos sobra siyang strict. Tsini-check niya kung, ‘Nakapagpa-foot spa ka na?’ Umaabot na kami sa ganu’ng level.”

Ngayon  ay pareho silang busy sa pagpo-promote ng filmfest entry nilang “Segunda Mano”, isang horror-suspense together with Dingdong Dantes na showing na nga sa Dec. 25.

Say ni Angel, super saya raw ng pagsu-shooting nila for the movie, as in para nga raw hindi niya na-feel na nagtrabaho sila, “Masaya, para kaming ‘di nagwo-work. Tsikahan lang kami nang tsikahan.

Hindi ko nga naramdaman na gumawa kami ng movie. Para lang kaming nag-hangout. Tsaka, masaya ang work namin kasi ayaw niyang (Kris) napupuyat. So ang bilis-bilis ng work namin.

Kapag 12 midnight na, sasabihin niya sa amin, ‘Tara na. Dali na gusto ko nang umuwi.’ So masaya, pare-pareho kaming hindi napupuyat kaya may energy pa kinabukasan!”

How true na dapat sana’y maikli lang ang role ni Angelica sa “Segunda Mano” na idinirek ni Joyce Bernal? Pero nang natapos na ni Angel ang kanyang mga eksena sa movie ay pinahaba pa ang kanyang exposure dahil maganda raw ang chemistry nila ni Kris on screen?

Anyway, inamin din ng aktres na siya ‘yung tipo ng babaeng walang kaartehan sa katawan, kaya naiinis daw siya sa mga girls na umaarte ng hindi tama,

“Konti lang yung  friends ko na babae. Kung hindi babae o kaya babaeng bakla. Kasi boyish ako siguro talaga. Minsan naaartehan ako sa mga babae, masyadong pa-sweet. Gusto ko masaya lang, chill lang.”

Read more...