Pidol unti-unti nang gumagaling

Pagkatapos ma-ICU at magpabalik-balik sa ospital

BUMUBUTI na raw ang kundisyon ngayon ng Comedy King na si Dolphy. Pagkatapos ngang magpabalik-balik sa ospital at ma-ICU si Mang Pidol ay iniuwi na raw ito sa kanilang bahay para doon na lang ipagpatuloy ang kanyang pagpapagaling.

Ayon sa natanggap nating balita, pahinga muna sa pagtatrabaho ang Comedy King para tuluy-tuloy ang kanyang pahinga.

Mas makabubuti rin daw sa kanya kung laging kasama ang kanyang pamilya at iba pang mga mahal sa buhay.

Lalo na raw ngayong holiday season, sisiguruhin daw ng kanyang partner na si Zsa Zsa Padilla pati na rin ng kanyang mga anak na mas mahabang panahon ang ilalaan nila kay Mang Dolphy para mapaligaya ito sa darating na Pasko.

Actually, mas bumubuti raw ang health condition ni Pidol kapag lagi niyang kasama ang kanyang pamilya. Super thankful naman ang Quizon family sa lahat ng mga nagdarasal para sa tuluyang paggaling ng Comedy King na 83 years old na ngayon.

Read more...