Daniel kailangang maging INC para maging dyowa si Kathryn


MAGIGING isang malaking problema sa relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang  relihiyon. Sa presscon na ibinigay ng Star Magic sa dalaga last Monday para sa kanyang 18th birthday celebration ay nasabi ni Kathryn na maaari lamang siyang makipagrelasyon sa isang lalaking ka-religion niya, ang Iglesia ni Cristo.

Alam naman ng lahat na isang Katoliko si Daniel Padilla. Kaya natanong ang dalaga kung sasagutin pa rin ba niya ang binata kung hindi ito magpa-convert sa INC? “Si DJ kasi alam ko may takot naman siya sa taas so importante sa akin ‘yung naniniwala.

Pero bawal eh, bawal po sa INC.” Dagdag pa ni Kathryn, “Religion, malaking factor siya para sa ating lahat pero for me pagmahal mo naman ang isang tao, tatanggapin mo kung ano na ang tao na ‘yun.

Ako kung ganon na talaga ako, kailangan tanggapin na ‘yun ng isang tao kasi ako na ‘yun eh hindi mo na ‘yun mababago.”
Open naman daw si DJ sa usaping religion, kuwento ni Kathryn, “Minsan napag-uusapan namin ‘yang about sa religion na ‘yan, about sa mga differences ng teachings ng INC sa ganyan.

Pero hindi ko siya tinatanong talaga na, ‘Willing ka ba?’ Mape-pressure ko naman siya, di ba? Nakikiramdam na lang.”
Hirit pa ng debutante, “Unahin muna natin si God ngayon bago ang lahat, pero basta ayokong magsalita ng tapos.”

Sey pa ni Kath, sa scale ng 1 to 10, 8 daw ang ibibigay niya sa effort ni Daniel na pasayahin siya, “Tingnan natin baka maging 9 bigla kapag pumayag siya (magpa-convert).”

Kahit tapos na ang super hit series nilang Got To Believe sa Primetime Bida ng ABS-CBN, tuloy pa rin daw ang bonding moments nila, “Opo, every day, minsan naman magkasama kami pumupunta siya sa bahay kasama niya sina Dominic (Roque), ‘yung barkada niya, nagba-bike kami, ‘yan ‘yung ginagawa namin minsan tuloy-tuloy naman.”

At siyempre, sino pa ba ang magiging escort ni Kathryn sa kanyang nalalapit na debut, kundi si Daniel. Sa March 26 talaga ang birthday ni Kath, pero gaganapin ito sa March 29 sa The Blue Leaf Filipinas.

Mapapanood naman ang kabuuan nito sa April 6 sa Sunday’s Best titled  #Kathryn My 18th Birthday Vlog. Hands on talaga si Kathryn sa pag-aasikaso sa kanyang debut, “Kahit sa little details from invitation, as in nakailang revise ‘yan, sa table setting, sa music, sa party, as in kahit sa maliliit na detail super kong tinutukan.

Gusto ko kasi very personal.”  Bukod kay Daniel at sa kanyang tatay Teodoro at kapatid na si Kevin, makakasama rin sa 18 Roses ng debut ni Kathryn sina direk Lino Cayetano, Neil Coleta, Robi Domingo, Enrique Gil, Khalil Ramos, Dominic Ochoa, Dominic Roque, John Manalo, Joshua Dionisio, Jhong Hilario at Benjie Paras.

Sa 18 Candles naman, nandiyan ang mga kaibigan at mentors niya sa showbiz tulad nina Kris Aquino, Gretchen Barretto, Manilyn Reynes, direk Cathy Molina, Miles Ocampo at Julia Montes.

Pero bago ang grand debut na may theme na “modern vintage”, magkakaroon muna ng bonggang party si Kathryn next week, ito’y regalo sa kanya ng fans nila ni Daniel mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

May celebration din siya sa ASAP 19 ngayong Linggo. Siyempre, gusto ring magpasalamat ni Kathryn sa mga sponsors at endorsements niya tulad ng SM Accessories, Spark MMA, lue Leaf Filipinas, Coca Cola, Ajinomoto, Golds Gym, Unisilver at marami pang iba.

Samantala, kahit na 18 years old na si Kathryn Bernardo, hindi pa rin daw siya papayag na makipaghalikan sa teleserye o sa pelikula, kahit pa si Daniel ang magiging kaeksena niya.

Naniniwala ang dalaga na maaari siyang maging mature sa kanyang mga proyekto kahit na walang kissing scene, at pwede siyang gumanap sa mga challenging roles nang walang halikan o love scene.

Read more...